“Di ko kailangan ng boyfriend ngayon!” – Sarah Geronimo

HINDI MABIBIGO SI Sarah Geronimo sa wish niyang makapagbakasyon sa nalalapit niyang birthday (July 26).

“Inaayos ko na ang ilang araw na bakasyon niya,” ani Mommy Divine ni Sarah nang ma-corner namin noong Sabado sa event ng Unica Hija sa SM Fairview.

“Bihira na kaming magsama-sama ng mga kapatid niya  kahit may sarili na kaming bahay. Hindi ko siya tatanggapan ng trabaho sa mismong birthday niya at tatlo o limang araw na kasunod. Magpapahinga kaming lahat.Magluluto ng mga paborito nilang pagkain at magsasalu-salo nang sabay-sabay. Alam kong magugustuhan iyon ni Sarah. Hindi lang si Sarah ang bising-busy sa loob ng mahigit limang taong nagdaan  kundi pati ang dalawa niyang  kapatid na babae at ang kapatid niyang bunsong lalaki. Madalas, ‘yung mga babae lang ang naiiwan sa bahay dahil  isinasama na rin namin ang bunso, lalo’t nasa ibang bansa kami. Bata pa kasi at kawawa naman kapag laging maiiwan.”

Ang hindi lang kayang ibigay ni Mommy Divine ay ang wish ng anak na magbakasyon ito sa ibang bansa dahil sa dami ng commitment nito dito sa ‘Pinas, gayon din ang pag-aaral niya sa U.P. “ Nasa second  year na siya ng Associate in Arts at pursigido kami, lalo na siya, na makatapos. Kawawa naman kasi siya kung hindi dahil tapos na ng college ang dalawa niyang kapatid. Alangan namang siya ang hindi,”patuloy nito.

Hinahayaan ni Mommy Divine na si Sarah na lang ang magsalita tungkol sa diumano’y paghihigpit niya rito tungkol sa mga manliligaw. “Gusto kong sa kanya manggaling para malinaw ang lahat.”

IN A SEPARATE interview (at sa gitna ng naghihiyawang fans) ay nagkaroon si Sarah ng pagkakataong sagutin ang issue tungkol kina Rayver Cruz, John Lloyd Cruz at Gerald Anderson.

“Hindi ko po naman talaga kailangan ang isang boyfriend sa ngayon!” aniya. “Paano po mangyayari iyon, eh, hindi nga po ako magkaroon ng time para i-entertain sila. Halos hindi ko na rin po mahawakan ang cellfone ko, ang laptop ko. Paano sila makaka-porma sa akin, kung saka-sakali?  What I really need is a friend. Isang kaibigan na makaka-usap ko, makaka-chat, somebody who can relate with me sa mga panahong ito,” say ni Sarah.

“Gusto ko naman na may blessing (basbas) ng parents ko sakaling magpaligaw ako. Ayoko ng magulo at nakatagong relasyon kung saka-sakali. Pero, kahit panahon ng pagpapaligaw ay wala talaga. Si Rayver, after noong second  movie namin ni John Lloyd, bihira ko nang makausap. Hi ! at Hello! lang kami sa ASAP. Same rin with Loydie. Sakaling  tumibok-tibok man ang puso ko, mabibitin  dahil after magsama sa isang project, eh, wala na uling communication. Ayaw ko na rin siyempreng simulan dahil wala namang patutunguhan.

“Yung kay Gerald, hanggang team-up lang po kami, kung matutuloy ang project. Pati na iyon ay hindi pa sigurado.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

4 thoughts on ““Di ko kailangan ng boyfriend ngayon!” – Sarah Geronimo

  1. @Jojo… Associate in Arts is one of the undergraduate degree sa UP open univ. Mostly ang mga units nito ay tungkol sa Liberal Arts and Sciences.

  2. asus! akala mo naman kung sinong birhen! … yung nanay naman akala mo kung sinong malinis… haayy naku mga plastic!

Leave a Reply

Your email address will not be published.