‘Word war’ ng mag-asawa, nauwi sa pagbibigti ni mister

PINANINIWALAANG MA-TINDING DEPRESYON ang nagtulak sa isang mister bunsod ng alitan nila ng kanyang misis, para magpakamatay sa San Fernando City, La Union.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Louie Ampo, residente ng naturang lunsod.

Sa panayam ng isang radio station sa kapatid ng biktima na si Vicky Ampo, natagpuan ang walang buhay na si Louie na nakabitin sa kanyang kuwarto.

Isang lubid ang ginamit ng biktima upang wakasan ang buhay nito.

Inamin din ni Vicky na bago ang pagpapakamatay ay nabalitaan nila ang alitan ni Louie at ng misis nitong si Malou na nasa Pangasinan.

Nais umano ni Louie na umuwi na sa La Union ang misis nito subalit sa hindi malamang dahilan ay bigo ang biktima na makapiling ang kabiyak.

Huling nakitang buhay ang biktima alas-12:00 ng tanghali noong Linggo na naglalasing sa loob ng kanyang kuwarto at nagsabing magpapakamatay ito, subalit hindi anila pinansin sa pag-aakalang nagbibiro lang ito. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.