‘Triple one’ ng Malabon, malakas ang impluwensiya

WALANG SILBI AT inutil pa rin umano ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga hindi masugpong sugalan na naglipana sa Malabon City.

Base sa pahayag ng ilang police insider sa Pinoy Parazzi, “hands-off” si PNP Director Gen. Chief Supt. Raul Bacalzo sa mga nagkalat na sugal sa nasabing lungsod na siyang sumisira sa kinabukasan ng mga batang mag-aaral.

Ayon sa source, sobrang malakas umano ang impluwensiya ni “Triple One” sa kasalukuyang administrasyon kaya walang sinumang puwedeng bumangga rito.

Wala rin daw “pangil” si Malabon Police Chief Sr. Supt. Cornelio Barios para sugpuin ang mga nagkalat na sugalan partikular ang mga video karera machine umano ng isang Manila police na nagngangalang Boboy Go, na siyang sumisira sa kabataang mag-aaral.

“Takot manghuli si Supt. Barios ng mga sugal sa kanyang lugar dahil may kalalagyan siya kay ‘Triple One’ na siya umanong nagbibigay ng pahintulot sa mga gambling lord para makapag-operate ng sugal sa Malabon,” ayon pa sa police insider.

Idinagdag pa ng source, limpak-limpak na pera ang kinikita umano ni Boboy Go na nagsisilbing “anay” sa pagmamantine ng video karera sa buong barangay sa Malabon.

Sa darating na pasukan ng mga batang mag-aaral, inaasahan na lalo pang lalakas ang operasyon ni Go dahil ang mga batang mag-aaral ay bibigyan ng baon ng kanilang magulang na siya namang ihuhulog sa mga video karera machine ni Go. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.