‘Tapos makipag-break sa pulitikong BF: Heart Evangelista, nagpapaligaw na kay Daniel Matsunaga?!

PARANG PABIRO PERO seryoso rin nang sabihin ni Eugene Domingo na kung papipiliin siya ng sperm donor halimbawa o magiging ama ng kanyang anak, susundin niya ang request ng mga kaibigan niyang bading na sina Ruel Bayani at John Lapus na si Fabio Ide ang piliin niya. Kaya naman natanong ang komedyana about it ay dahil sa tema ng istorya ng latest starrer niyang Mamarazzi.

“Sobrang nakakatawa!” Reaksiyon ni Fabio the last time na makakuwentuhan namin siya sa office ng Mercator Modelling Agency sa Makati. “Siyempre gusto ko siya kasi sobrang mabait, matalino, adorable, very down to earth. And I’m very blessed to be having an opportunity to work with her in Comedy Bar.

“Pero of course, do’n sa show namin na ‘yon, we’re always making jokes. Parang it’s funny. Everytime I hear something like that, I always take it like a joke. I know it’s just a joke. So I’m not taking it seriously.

“Si Eugene, I like her so much as a friend. I respect her so much. I’ve been learning so much not only from her but also from Allan K. She’s so adorable and so funny. She’s a special person. And it’s always nice to be close to her. She’s just a really really good friend who I really like and admire so much. She always makes me laugh.”

Isang compliment daw for him kung ang tingin ni Uge ay magandang magpalahi sa kanya. But he takes it as a joke lang daw. Kahit ‘yong paghalik-halik daw sa kanya ng komedyana sa show nilang Comedy Bar, hindi raw niya binibigyan ng malisya.

“Everything is part of the show. Just to have more fun. I really don’t mind if we kiss each other. I understand that sometimes people want to see it because it’s something na nakaaaliw for them. If we do it outside the show, then that would be a different things. Pero it’s just for the show nga and we know that we’re good friends. It’s just work. Hindi dapat malagyan ng malice or anything.”

Zero ang lovelife ngayon ni Fabio. Choice daw niyang maging single muna para makapag-focus nang husto sa kanyang career. Excited nga raw siya sa isa pang bagong show niya sa GMA-7, ang sitcom na Yaman Ni Lola, kung saan makakasama niya sina Nanette Inventor, Angelika dela Cruz, Benjie Paras, at iba pang Kapuso Stars. May gagawin din ulit siyang pelikula na mala-Twilight daw ang tema kung saan gaganap siyang bampira.

Kaliwa’t kanan din ang kanyang endorsements. Pinakabago ay ‘yong nakatakdang pag-launch sa kanya kasama nina Daniel Matsunaga at Sam Milby bilang mga bagong endorsers ng Blue Water Spa.

“Well right now, I’m being so overwhelmed. So many good things have been happening. I’m not worried about like being with someone right now. I just wanna be stable. I wanna have a stable career first,” panghuling nasabi sa amin ni Fabio.

SPEAKING OF DANIEL Matsunaga, gaano kaya katotoo ang balitang nagkakamabutihan na raw sila ni Heart Evangelista?  Lately kasi ay madalas umanong nakikitang lumalabas ang dalawa. Just recently nga, nakita rin daw silang magkasamang kumakain sa isang sosyal na restaurant sa Makati.

Kung sabagay, matagal na namang sinasabi ni Daniel na type nga niya si Heart. Kaya nga nang magkaroon ng pagkakataon ang guwapong Brazilian model-turned-actor na makatrabaho ang aktres sa Langit Sa Piling Mo, kaagad-agad ay nag-effort siya na maging malapit sa dalaga.

Ngayong napapabalitang nakipag-cool-off na nga si Heart sa boyfriend nitong politician from Isabela na si Ian Dy, biglang nagkalakas ng loob na raw si Daniel na magparamdam sa dalaga. At tila open naman daw ang aktres sa panunuyo sa kanya ng binata dahil napapadalas nga ang paglabas-labas nila.

Maging good news kaya kay Bianca King ang pagkaka-link ngayon ni Heart kay Daniel? At least, wala nang anggulong magkaribal sila kay Ian Dy.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

5 thoughts on “‘Tapos makipag-break sa pulitikong BF: Heart Evangelista, nagpapaligaw na kay Daniel Matsunaga?!

  1. wala namang masama kung parehong libre. drop-dead gorgeous couple to kung sakali. hay, some guys have all the luck :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.