‘Pulis’ na may topak, nambulabog sa simbahan

NAGKAGULO ANG MGA dumadalo sa misa matapos makitang naglalaro ng baril ang kelot na naka-uniporme ng pulis sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dinala sa presinto at inimbestigahan si Eduardo Chua, Jr., 27 ng Tondo, Manila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon, nagdaraos ng misa sa loob ng simbahan ng Our Lady of Grace sa 11th Avenue nang mapansin si Chua na nilalaro ang dalang baril.

Nabulabog ang mga nagmimisa at nagsumbong sa mga pulis at nang respondehan ay agad na binitbit si Chua sa presinto.

Nang imbestigahan ay nalaman na laruang baril lang ang dala ni Chua at nalaman na may topak sa ulo na naging dahilan upang pakawalan.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “‘Pulis’ na may topak, nambulabog sa simbahan

  1. Pingback: ‘Pulis’ na may topak, nambulabog sa simbahan | Pinoy News

Leave a Reply

Your email address will not be published.