‘POLITICAL PRISONERS’ ITINUTURONG DAHILAN NG MADALAS NA JAILBREAK

RIZAL – ISINISISI NGAYON ng pulisya sa malalaking pulitiko ang dahilan ng madalas na jailbreak sa lalawigan dahilan sa madalas na pagpapadrino ng mga ito sa kaanak o kaibigan na nasasangkot sa kriminalidad.

Nabatid na nagiging dahilan ng madalas na pagtakas ang hindi pag-commit ng mga preso sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil hinaharang ng mga lokal na opisyal.

“Karamihan kasi sa mga nahuhuling kaanak ng pulitiko o kaibigan ay hindi muna dinadala sa BJMP at ginagawang “political prisoners” sa mga lock-up jail sa pakiusap ng mga pulitiko,” pahayag ng mataas na opisyal ng Rizal PNP.

Sinabi naman ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto, na isa pa sa mga nagiging dahilan ng jailbreak ay ang sobrang sikip ng mga lock-up jail at detention cells.

“Sa halip na sampu lamang ang laman ng ating mga lock-up jail at detention cells, halos triple na ang laman kung kaya’t ‘yung iba ay napipilitang sa labas na lamang o kaya ay ginagawang trustee,” ani Prieto.

Kaugnay nito sinabi ni PD Prieto na nagsagawa na sila ng inspection sa lahat ng lock-up jail o detention cells sa buong lalawigan at ilalabas na rin nila ang rekomendasyon.

Hihilingin din nila sa pamahalaang panlalawigan ng Rizal sa pamamagitan ni Gov. Jun Ynares na tulungan ang pulisya para sa renobasyon ng mga lock-up jail o detention cells para ma-acommodate ang dumaraming bilang ng mga detainees. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.