‘Pag natulad si Zoren Legaspi kay Rustom Padilla Carmina Villaroel, guguho na talaga ang mundo!

HINDI INAASAHAN NI Carmina Villaroel na after giving birth sa twins na sina Mavy at Cassy, magtutuloy-tuloy pa rin ang kanyang showbiz career.

“Akala ko nga hihinto na, I am so lucky and blessed dahil tinanggap pa rin ako ng mga tao. At saka, nakita naman nila ‘yung love ko talaga sa craft. Ito lang ang alam kong gawin,” say ng bagong endorser ng Del Monte Filipino Style Tomato Sauce at Spaghetti Sauce with MMK (Munggo, Malunggay at Kalabasa).

Kahit maayos ang pagsasama nina Carmina at Zoren Legaspi, hindi pa rin sila hinihiwalayan ng intriga. Bakit nga ba hanggang ngayon, hindi pa sila nagpapakasal?

“We can’t please everybody, pero kung kami ang tatanungin mo, okey na kaming ganito and then kung dumating, darating na lang ‘yan. Walang problema, it’s nothing to do with the religion. It’s nothing to do with my past relationship, wala talaga. Wala lang, wala naman mukhang pera sa inyong dalawa, ‘di ba ? Nagwo-work naman kayong dalawa, ‘yung bang as one so, walang magiging problema,” sambit ng aktres na naniniwala na darating din ‘yun ikakasal sila ni Zoren.

Sa pagiging talkshow host ni Zoren sa Paparazzi, aware ba naman si Carmina na baka maging another BB Gandanghari ang kanyang asawa? “Naku! Parang malayo naman yata. Diyos ko! Parang guguho na yata ang mundo kapag ano, if ever. Niloloko ko nga siya, running jokes na sa amin na parang, honey, umamin ka na. Okey lang sa akin kasi, BB Ganda. Ha! Ha! Ha! Pinagtatawanan na lang namin. Sinasakyan na lang namin kaya hindi na ako ano. Ang peg nga niya 80’s na bading.  Ganyan na lang, ayan strike 2, hindi ka na natuto. Ha! Ha! Ha! Malabo,masyadong malabo talaga. Parang hindi ko siya maaarok nang bonggang-bongga,” natatawang sabi ni Mina.

Nai-imagine kaya ni Carmina na bigla silang magkita ni BB Gandanghari, ano kaya ang magiging reaction niya? “Hindi ko alam kung nasaan siya, kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Feeling ko lang, if ever magkikita kami, mangyayari lang. Maliit lang naman ang mundo, so feeling ko, mangyayari, mangyayari lang. Hindi ko alam, feeling ko tatawa lang ako,” mabilis na tugon ng aktres.

“Sa akin, kung anuman ‘yung mga pagbabago sa buhay niya na wala naman siyang sinasagasaang tao. If it’s gonna make her happy, go! Kasi ako, I’m very happy with my life. Sana ‘yung kaligayahang nararamdaman ko, ‘yung peace na mayroon ako, sana ‘yun din ang makuha niya,” dugtong pa niya.

Producer na rin pala si Zoren and at the same time director din siya ng sarili niyang pelikula. May tsika na pinagbawalan ni Carmina ang asawa na kunin si Michelle Madrigal sa indie film na idi-direk niya  “Hindi ko siya binawalan. Unang-una, wala akong alam, hindi ako nakikialam sa ipu-produce niya. Hindi ako nakikialam kung sino ang kukunin niya, sino ang mga staff niya? Hindi ko nga alam kung ano ang istorya. Ever since naman, hindi ako nakialam sa mga kissing scene, love scene niya. Pagdating sa career niya, hindi ako nakikialam, promise, hindi talaga.”

Kailanman hindi  sumagi sa isipan ni Carmina na may feeling pa rin sina Ruffa Gutierrez at Zoren sa isa’t isa. “Wala lang, kilalang-kilala ko si Zoren. Once na mag-entertain ka ng ganu’n, mas lalabo ‘yung relationship ko with Zoren, plus ‘yung friendship ko with Ruffa, if you entertain. At saka, hindi makitid ang utak ko. Artista rin ako, alam ko kung paano sumakay sa mga ganyan. Hindi sila magiging comfortable if there is something. Si Ruffa, sobrang bait na kumare,” paliwanag ni Mina.

Papaano kung ma-involve si Zoren sa isang  tulad ni Michelle Madrigal? “Iniisip ko pero, imposible. Pero kung dumating, bahala siya sa buhay niya. Ganu’n lang naman ‘yun,” natatawang sabi ni Carmina.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “‘Pag natulad si Zoren Legaspi kay Rustom Padilla Carmina Villaroel, guguho na talaga ang mundo!

  1. I have high respect for Mina’s attitude towards BB Gandanghari’s situation, tama si Mina kung happy si BB sa ginagawa nito, go go go basta WALA LANG ITONG TAONG SINAGASAAN. At saka, not all married people are happy anyway, meron din doon na hindi married pero super happy naman. Why fix a lamp that is not broken eka nga!!!!! Sa kultura natin merong magsasabi na it is not moral for them to live without marriage, ang masasabi ko lang dito mayroon naman mga kasal pero mga immoral naman kasi cheat dito cheat doon. Ang importante ang good citizen ka, you pay your taxes right at on time at huwag kang masama na tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published.