‘No show’ in Mega Magazine event: Andi Eigenmann is avoiding entertainment press!

ISA SI ANDI Eigenmann sa hinirang na 10th Most Beautiful Women of 2011 ng Mega Magazine. Kaya naman inaabangan ng TV crew at ilang member ng press ang kanyang pagdalo upang tanggapin ang kanyang award. Pero natapos na ang event, ni anino ng dalaga ay hindi namataan sa Resorts World.

Kahit alas-diyes pa nang gabi nakatakda ang pagsisi-mula nang event noong Martes ay nag-ipun-ipon na sa red carpet ang mga TV crew ng bandang alas-otso pa lamang upang kapanayamin sana si Andi tungkol sa malaking isyung sampalan diumano na namagitan sa kanila ng kanyang dating boyfriend na si Albie Casiño.

Sana lang ay magpaliwanag na si Andi tungkol dito upang malinawan na ang lahat dahil maraming masasamang salita ang aming nababasa sa internet na hindi magandang ilathala sa mga diyaryo. ‘Yun lang!

 

“I’M A FILIPINO by choice,” ito ang pahayag sa amin ng kapatid ni Daniel Matsunaga na si Vanessa. Nakausap namin si Vanessa sa event ng Mega Magazine noong nakaraang Martes sa Opus Restaurant sa may Resorts World, kung saan isa si Vanessa sa tinanghal na 10th Most Beautiful Women of 2011.

Kasal na rin sa isang Pinoy si Va-nessa kaya naman kini-claim na niya ang sarili bilang Pilipina. Botong-boto naman ang Brazilian model sa kasintahan ng kanyang kapatid na si Heart Evangelista.

“She is a very kind woman, she’s sweet and lovely.” Magkasundong-magkasundo raw sila ni Heart kaya naman wish niyang ito na ang makatuluyan ni Daniel.

 

MAMI-MISS NANG KANILANG mga fans sina Karylle at Christian Bautista dahil apat na buwan silang mawawala sa bansa. Singapore-based na muna ang dalawa para sa gagawin nilang TV series na Kitchen Musical.

Hamon para sa kanilang dalawa ang nasabing musical dahil may kaugnayan ito sa pagluluto kaya naman daw si Karylle ay nag-aaral ng mga culinary lessons nitong mga nakaraang linggo. Sa Sabado ang huling araw ni K sa Showtime at sa linggo naman siya magpapaalam sa ASAP.

Excited na si Karylle sa pag-arte at pagkantang gagawin niya sa naturang TV series na ipalalabas din dito sa bansa.

Congrats kina Christian at Karylle, dito natin mapapatunayang world-class talaga ang talent ng mga Pinoy.

 

MARAMI NA TALAGA ang hindi bumibitaw sa lalo pang gumagandang istorya ng Babaeng Hampaslupa. At ngayong alam na ni Grace (Alex Gonzaga) na siya ang tunay na Elizabeth Wong, hindi pa rin niya ganap na natamo ang kaligayahan dahil nawawala pa rin si Diana (Alice Dixon), ang kanyang tunay na ina, matapos itong maglaho nang sumabog ang gusaling Windsor.

At sa patuloy na pag-inog ng mundo ng mga Wong at See, may mga bagong tauhan namang papasok, sina Joross Gamboa at April “Congratulations’ Gustilo. Gagampanan nila ang papel ni Philip Cheng at Misteryosang Amanda.

Ano nga ba ang dala nilang misteryo sa Babaeng Hampaslupa? Pakatutukan ‘yan gabi-gabi sa TV5, pagkatapos ng Wil Time Big Time.

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 3 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “‘No show’ in Mega Magazine event: Andi Eigenmann is avoiding entertainment press!

  1. Established in 1996 we have gained a reputation as one of Ireland’s leading event management companies. For well over a decade we have been designing and developing customised events to meet and surpass our clients needs. We take your brief and devise creative, innovative events that meet your requirements. Then we follow this up by delivering smooth running, professionally managed events that exceed your expectations. 

  2. Pingback: Latest Filipino Dating News | Filipino Friend finder

  3. TV5 will always be a third option sa primetime, it will take painstaking years before they dislodge the big networks. Aminin na natin, seldom you will thought of pressing the channel 5 in your remote while watching TV

Leave a Reply

Your email address will not be published.