‘No break-time’ sa Navotas, iniutos

PARA HINDI MAANTALA ang pagbibigay-serbisyo para sa mamamayan ng Navotas, mahigpit na ipinag-utos ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang “no break-time” policy.

Ayon kay Tiangco ang nasabing kautusan o Memorandum Order No. 105-11 ay agad na iniatas sa lahat ng opisyal ng departamento at empleyado para sa tuluy-tuloy na paghahatid ng serbisyo lalo na sa mga taxpayers ng naturang lungsod.

“Observance of regular noon breaks (12:00 to 1:00 PM) need not cause interruptions in the service/s provided by employees, especially those manning the frontline services,” ani  pa Tiangco.

Binigyang-diin ng alkalde na kailangang hindi maantala ang pagbibigay-serbisyo lalo na sa oras ng tanghali o noontime break na kadalasan ay naantala ang pagbibigay-serbisyo sa mga Navoteños partikular na ang mga kumukuha ng Community Tax Certificates (cedula), at marami pang iba.

Bunga nito, mapapadali na rin ang mga transaksiyon sa lungsod ng Navotas lalo na iyong mga kumukuha ng mga business permit ay mapabilis ang pagkuha ng mga requirements.

Kaugnay nito, nagpasalamat din si Tiangco sa lahat na mga Navoteño, lalo na sa mga sa patuloy na pagbibigay-suporta sa lahat ng programa ng lungsod tungo sa patuloy na pag-unlad ng siyudad.

“Remember that the quality of service we provide our constituents include being able to provide that service at the time they need it or even at their convenience,” dagdag pa ng alkalde.

(MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.