‘No Bold Show’ Sa Pasay, Ningas-Kugon

NILILINLANG LAMANG UMANO ni Pasay City Mayor Antonino “Tony” Calixto ang mamamayan lalo na ang kanyang mga constituent sa panawagang “no bold show” sa lahat ng club at KTV bar sa lungsod.

Kamakailan lamang ay nagpalabas ng kautusan ang alkalde sa lahat ng club owner sa lungsod na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalabas ng mga nude show sa kani-kanilang KTV bar at sa sinumang lumabag sa kautusan ay may karampatang parusa, at kung hindi magmumulta ng malaking halaga ay tuluyan nang ipasasara ang club.

Sa una ay pinaniwalaan ng mga residente ang naturang kautusan, subalit ilang araw pa lamang ang nakalipas matapos magpalabas ng kautusan ay nagulat na lamang sila nang masaksihan sa ilang club/KTV bar na may sumasayaw na kababaihang hubo’t hubad sa entablado.

Ilan sa mga club/KTV bar ay ang VOCANO, MISS UNIVERSAL, EAST ASIA, MAJESTIC, BEJARA, SOLUTION na pawang mga nakapaligid sa Lungsod ng Pasay.

Ang masaklap pa umano rito, sa halip na ipasara ang mga owner ng club/KTV bar na hindi sumusunod sa kautusan ay lalo lamang kinukunsinti at marami pa ang naglutangan club na umano’y kasosyo pa rito ang kaibigan ng alkalde.

Ito ay ang FAHRENHEIGHT Lifestyle Entertainment KTV, na matatagpuan sa Roxas Blvd., Pasay City at pinamumunuan ng isang Rey Martinez at isa pa ay ang MACHETE Club, na para naman sa mga kababaihan na gustong maglibang at makapanood ng mga kalahi sa Adan na sumasayaw sa entabladong walang saplot.

Dahil dito, muling hinamon ng kanyang mga constituent si Mayor Calixto at ang Business Permit and Licensing Office chief nito na si Boyet del Rosario, na patunayan ang pagbabago sa lungsod at sinasabing ‘fine city’ na ito taliwas sa taguriang ‘sin city’. (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “‘No Bold Show’ Sa Pasay, Ningas-Kugon

Leave a Reply

Your email address will not be published.