‘KUNG MAY TYPE KANG LALAKE, HUWAG MONG PILITIN!’ – Jobert

NAITANONG NGA NAMIN nu’ng Lunes kung bakit on the warpath ngayon ang mga tao. At sa isang sitwasyon na usually-dalawa lang ang involved, dumarami at lumalaki pa ang scope.

Nakausap naman namin si Jobert Sucaldito hinggil sa hamon ng comedian na si John Lapus na idedemanda nga niya ang una dahil sa naisulat nito ang diumano’y pagwawala ng huli sa isang comedy bar.

Inilahad naman ni Jobert ang mga bagay-bagay tungkol sa taong isinulat niya na nag-ngangalang Kiko, na siyang may reklamo sa umano’y pamimilit ni John nang magkita sila sa The Library nu’ng Valentine’s Day kunsaan nagkaroon ng show si John with Phillip Lazaro.

May mga sources si Jobert na nagpaabot sa kanya sa nasabing reklamo ni Kiko na may kasama pang na-record sa nasabing pamimilit sa kanya ni John.

Kaya kung magdedemanda man daw si John kay Jobert dahil sa nasulat niya eh, hindi naman niya ito aatrasan. Hindi naman daw siya ang biktima rito kundi ang lalaking nagsabi na sa tanang buhay niya eh, ngayon lang siya nabastos ng ganito.

Hindi raw takot si Jobert, lalo ngayon at may pruweba siya o basehan sa kanyang isinulat.

INISA-ISA NI JOBERT ang mga buwelta sa kanya ni John, at ang hindi nga lang niya nagustuhan doon eh, nang idamay pa nito ang kanyang anak. Nasabi rin ni John sa isang interbyu sa kanya na nakausap daw nito si Peter Musngi at umano’y sinabi sa kanyang ipatatanggal sa radio program niya sa DZMM si Jobert.

“Hindi ko alam kung kelan sila nagkausap. Why didn’t Peter tell me? May clout ba siya (John)? Congratulations kung meron. Am still working for DZMM and it is Peter’s turf. Alam ko naman kung ano ang panuntunan sa programa namin at ang parameters nito. Iniisa-isa niya mag-name drop ng mga tao. From Marian (Rivera) to Wenn(Deramas). Magsama-sama kayo. Kung anuman ang isyu ko sa bawat isa, sa amin ‘yun at hindi siya kasali.

“As a journalist, kung ano ang nakikita ko, nobody can stop me na punhain ito. Ilan sila? Lima? Pati si Dra. Vicki Belo. Ano naman ang iginanda na sabihin mo na nu’ng Valentine’s day, ipinagluto ka ni Hayden Kho ng nakahubad ito?

“We have a thousand and one stars. Isipin na lang niya ang ratio. At saka ano ‘yung sinasabi niya na ilang networking sites ang ginawa para lang sabihin na hate ako. Ang punto lang naman sa isyung ito eh, kung ginawa ba niya ang inirereklamo sa kanya o hindi? ‘Yun lang ang isyu.

“Siya ang may problema sa sarili niya. Simple lang ito. Kung may type kang lalake, huwag mong pilitin. ‘Wag mo sila i-harass. Ayokong one day, may mabasa na lang ako na isang bakla, sinaksak dahil pinilit. Iba-iba ang kagandahan ng mga tao. Baka hindi sila nagagandahan sa ‘yo kaya ‘wag mo pilitin!”

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

6 thoughts on “‘KUNG MAY TYPE KANG LALAKE, HUWAG MONG PILITIN!’ – Jobert

  1. Ang mga baklang kagaya nina Jobert & John ay pagpapatunay kung bakit yung iba nating kababayang Pilipino ay hindi matanggap tanggap ang third sex sa lipunan. Bakla na nga bastos na bastos pa. Pasensya po sa iilan dyan na nanahimik lang pero bilang isang pilipino po, hindi ko po maiiwasan na hindi pandirihan ang kabaklaang ipinapakita ng bastusing mga baklang ito. Kung sabihin nilang itoy karapatan nila ito sa pagpapahayag ng kanilang damdamin at sariling opinyon, ako'y nagtataka lamang….ito ba ang nais na gustong makamit ng partidong ladlad ang maihayag sa madla ang kanilang kabastusan. Hindi na nga katanggap tanggap ang uri ng ganitong pagkatao sa simula pa lang kung ang ating pagbabasehan ay ang sagradong kasulatan ng bibliya, binalahura pa nila ang dati ng balahura.

  2. john at jobert,.matatanda na kayo!nakakahiya naman na dahil sa lalake at nakakaladkad na naman kayo sa walang kwenatng isyu,ano bayan!nakakawalang respeto sa lipon ng kabaklaan,,
    una,,jobert-ang alam kong ikinagalit ni joh at yung naisulta nong nagwala sya at nilgay mo pa yung chaka nyang face sa unahan ng tabloid,hehe.yang nasabi mo na dahil sa lalake o dinepensahan mo ba ang lalakeng iyan over john na feeling mo nabastos ang guy na iyan o ano?ITS OUT OF CONTEXT O OA O MASYADONG PERSONAL NA YATA IYAN JOBERT DIBA,.problema na ni john at yung guy iyan,na di mo na dapat isulat pa,tutal,wala naman tlagang gulong nangyari,at saka,,SHOW THE PROOF na nagwala si john ng matapos na ito,,show the video,,yun lang,,pero DONT SHOW TO PIPOL YUNG TUNGKOL SA KANILA NUNG GUY KASE WALA NG PAKI ANG TAO DUN,,.mababaw at may bakit na tanong,.

    tama ka,,mapili na nga mga guys now wen it comes in gays,,ayaw nila ng screaming faggots,pangit o walang dating,,gusto nila tlaga pretty at hot din,,na gud influence at maayos na tao,,so,,we must RESPECT NA MAY PANGIT AT MAGANSA SA BABAE,LALAKE O GAYS,.wag na tayong mag insecureran o magsiraan,lalo na just for a guy,ang cheap ha,,kase asar ako sa mga baklang walang modo at pangit pero oa ang insecure sa mga pretty gays,,kaya nagiging nega o bitter ang aura nila sa tao,show the way they talk,puno ng insecure,di nalang accept na pangit silang mga baka,,hehe,,

    wag ibaba ang level sa taong ayaw sayo,,tama yiyon,wag din sana pauto o pagamit ang mga bakla jan,,ok,,kase we bliv naman kapag nakitaan ka ng guy ng maayos at something about u kahit gay ka,,mamahalin ka nito,,kase feeling yan e,,kaya lang we must accept na malabo sa pinoy,mas ok sa european o american,,so john,,get a european o american bf,ok,,para may stability,,

    walang isyu,,tapusin na yang ka cheapan na yan,,godbless

  3. Pingback: Tweets that mention ‘KUNG MAY TYPE KANG LALAKE, HUWAG MONG PILITIN!’ - Jobert | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.