‘Killer Perya’, Isinisisi sa Brgy. Chairman

ABUT-ABOT NA SISI ang i-pinupukol ng mga residente laban sa kanilang barangay chairman na umano’y nagbigay ng permit para itayo ang peryahan, kung saan isa ang namatay at siyam pa ang nasugatan, gayung hindi naman dapat ito isyuhan ng barangay permit para mag-operate.

Ayon sa mga residente, si Brgy. Chairman Nicomedes “Boy” Caco ng Karuhatan, Valenzuela City ang nagbigay ng permiso para mailagay ang peryahan ni Arnel Cudia na matatagpuan sa kahabaan ng Mac Arthur Highway sa sakop ng nasabing barangay.

Isa umanong Mugs Clarino na malapit kay Caco ang nag-ayos ng permit para maitayo ni Cudia ang kanyang mini-carnival.

Napag-alaman na taong 2007 pa, tanging barangay permit lang ang inaayos ng grupo ni Cudia at hindi ito ikinukuha ng business permit sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa Valenzuela City government.

Pinayagan din ni Caco na maitayo ang peryahan ni  Cudia, gayong ilang hakbang lamang ang layo nito sa Holy Family Church na labis na nakakaistorbo sa tuwing may misa.

Sa patakaran ng peryahan, kukuha muna ito ng permit sa barangay at kapag “super lakas” ang chairman sa city hall, hindi na ito ikinukuha ng permit sa BPLO.

Sa permit na nakuha ni Cudia sa Barangay Karuhatan, itinayo ang kanyang perya noong November 2, 2011 at aalisin sa Enero 15, 2012.

Magugunita na isa ang namatay at siyam pa ang nasugatan matapos tumilapon ang isang bahagi ng caterpillar ride ma humantong sa pagkakadiskaril, makaraang matanggal ang turnilyo nito.

Hinuli ng mga pulis ang mga tauhan ni Cudia, kasama ang dalawang binatilyo at caretaker nitong babae.

Bunga ng naganap na trahedya, ipinasara ni Mayor Sherwin T. Gatchalian ang peryahan ni Cudia na hanggang sa ngayon ay nagtatago pa rin matapos ang insidente.

Nabatid pa na minsan na ring ipina-raid ni Gatchalian ang nasabing peryahan dahil sa reklamo na prente ito ng sugal gaya ng color game at nasa tapat pa ito ng simbahan. Pero muling nakapag-operate sa tulong ni Chairman Caco.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.