‘Jay Ilagan’, kinatay ng kaaway

 

PATAY ANG ISANG kelot na kapangalan ng nama-yapang artista matapos itong ataduhin ng saksak ng ‘di pa kilalang salarin na nakaaway ng una habang ito’y naglalakad kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Wala nang buhay ng idating sa San Lorenzo Hospital, Quezon City sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jay Ilagan, 21, binata, ng Pangarap Village, Caloocan City.

Isang follow-up investigation naman ang isinagawa ng mga awtoridad para sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Quirino Highway Pangarap Village, ng nasabing lungsod.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Jayson, 23, kasama niyang naglalakad ang nakababatang kapatid nang bigla na lamang lumutang sa madilim na bahagi ang suspek na armado ng patalim.

Dito, agad na inatake ang biktima at hinalihaw ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan saka tumakas.

Humingi naman ng tulong sa mga barangay tanod ang matandang Ilagan upang dalhin sa nasabing pagamutan ang kapatid subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Inaalam na ng pulisya ang tunay na motibo sa pagpaslang kay Ilagan.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.