‘Hari ng Jueteng’ sa La Union, bistado na!

SAN FERNANDO CITY – Isang nagngangalang Luding ang umano’y ‘Hari’ ng patuloy na namamayagpag na illegal na sugal na Jueteng sa buong lalawigan ng La Union.

Nabatid  na sa halos lahat ng barangay sa La Union ay may kubrador ng Jueteng itong si Luding at marami ang nagtataka kung bakit sa kabila ng mahigpit na kam-panya ng pamahalaang Aquino laban sa mga operasyon ng illegal na sugal na tulad ng Jueteng, nanatiling ‘untouchable’ ang pa-jueteng ni Luding.

Sinasabing ang mga mismong tauhan daw ni Gov. Manuel “Manoling” Ortega, Vice-Governor Augusto Nisce at Congressman Victor Francisco Ortega ang protector nitong si Luding kaya walang katinag-tinag ang huli sa patuloy na pagpapasugal sa naturang erya.

Marami ang nagtatanong na tila walang ginagawa sina PNP Chief Gen. Raul Bacalzo at PNP-Region I Dir. Franklin Bucayu. Dahil kung mayroon nga naman daw, bakit hindi maalis-alis ang pa-Jueteng ni Luding?

Sabi pa nga ng isang grupong ayaw sa operasyon ng Jueteng sa naturang lugar, dapat lamang patunayan nina Gov. Ortega, Vice Gov. Nisce, Cong. Ortega, Gen. Bacalzo at Gen. Bucayu na hindi sila nakikinabang sa Jueteng ni Luding.

Dapat ay kumilos na agad sila para ipahuli itong si Luding at matigil na ang operasyon ng Jueteng sa La Union upang maalis na ang suspetsa ng marami na sabit sila sa pa-Jueteng ni Luding. (ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.