‘Di uurungan si Claudine Barretto: Angelica Panganiban, palaban!

MARAMI ANG UMAASA sa magandang impluwensiya ni Derek Ramsay sa kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban, na kung papaano niya nakumbinsi ang young actress na makipag-ayos na sa dati niyang nakaalitang si Gretchen Barretto, ay maging dahilan din ang aktor para kumbinsihin niya ulit ang kanyang karelasyon, na huwag na ring sobrang magsalita laban sa kapatid naman ni Gretchen na si Claudine Barretto.

Kasi nga, nakakagulat ‘yung mga pupuwede pang sabihin daw ni Angelica kontra sa wife ni Raymart Santiago, dahil kapag daw nangyari iyon, magreresulta talaga sa isang malaking gulo.

Nakakatakot daw kasi ang pananahimik ngayon ni Angelica matapos na makapagbigay na si Claudine ng kanyang saloobin tungkol sa girlfriend ni Derek. May image na rin kasi ng kaprangkahan at katarayan si Angelica, kaya talagang kung mapo-provoke siya, hindi na nakapagtataka kung buweltahan niya si Claudine ng kung anu-anong salita.  Inaabangan na nga kung ano ang kahahantungan ng alitan nilang dalawa, lalo pa’t ang sister naman ni Gretchen ay walang image sa showbiz bilang palaaway.

Malaking bagay sa pananahimik ngayon ni Angelica tungkol sa gusot nila ni Claudine ay ang tungkol sa pagkakabati nila ni Gretchen. Kahit naman hindi natutuwa ngayon ang girlfriend ni Derek sa wife ni Raymart, isinasaalang-alang niya ang magiging damdamin ni Greta tungkol sa mga nangyayari, dahil kapatid pa rin naman niya ang nasasangkot sa gusot.  Selyado raw muna sa ngayon ang bibig ni Angelica, dahil marami ang nagpapayo na manahimik muna.

BLIND ITEM: HINDI nakapagtataka kung bakit maraming naiinggit sa sikat na bading sa showbiz, na tawagin na lang nating gay na friendly (GF). Kasi nga, bukod sa napakayaman niyang negosyante, hindi naman siya mahilig umamin na nakakarelasyon niya ang mga guwapo at sumikat na aktor sa showbiz. Sa tuwing may flavor of the month siyang guwapong bagets na umeentra sa showbiz, kapag kinulit siya ng mga kaibigan niya sa press, ang sagot lang niya ay:  “Wala, friend ko lang siya!”

Kahit bading si GF ay hindi siya bastusin, dahil bukod sa may personality nga siya, ay madatung. Tumutulong din naman siya sa mga baguhan na gustong makilala sa showbiz, kaya lang, parang hindi niya linya ang mag-manage ng mga artista.  Hanggang ngayon ay friendly pa rin ang bading. Once upon a time ay may namataan siyang napakaguwapong binata habang nagda-drive siya ng kotse pauwi sa house niya. Lasing na lasing si bagets, at sumusuka, kaya isinakay niya sa kotse. Nu’ng nasa kahabaan na sila ng Timog Avenue, may namataan siyang isang reporter na friend niya, kaya huminto siya at ipinasilip sa bintana ng car ang guwapong bagets na gulay pa rin sa kalasingan. Sabi raw ng reporter: “Mama, napakaguwapo naman ng bagets na ‘yan? Saan mo siya napulot?”

Dahil may mga bigating kaibigan sa showbiz si GF ay naipakilala niya ang nasabing bagets sa mga pupuwedeng tumulong para sa kanyang pagsikat. Nagtagumpay naman, dahil premyadong aktor na ngayon ang dating bagets, at ngayon ay sikat na sikat na sa isang network. Ang nabanggit na reporter ay yumao na. Ang friendly na gay ay rich, at napaka-friendly pa rin.

Clue: Ang huling binanggit niyang friend lang din daw niya, ay tisoy at napakaguwapong ka-loveteam ng isang sikat na tsinitang young actress. Wala nang clue du’n sa premyadong aktor, dahil napakaguwapo niya, mabait at sikat na sikat pa nga hanggang ngayon, ‘noh!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

29 thoughts on “‘Di uurungan si Claudine Barretto: Angelica Panganiban, palaban!

  1. PAG MAY APOY, MAY SUNOG. PAG ANG MANOK PUTAK NG PUTAK, MEANS NANGITLOG.
    YAN SI ATE CLAUDINE, PUTAK NG PUTAK, MEANS TOTOO MGA SINASABI KO… PERIOD.

  2. Angelica, di mo kelangan ng eskandalo…wag mo na pansinin si claudine, laos na yan!!! mas sikat ka na kesa kay claudine kaya dedma lang!!!!!!!!!!!

  3. Kung nasa tama ka at wala kang ginagawang masama, hindi mo kelangan ng kakampi! Hindi naman maitatama ng dami ng kakampi ang isang pagkakamali..Wag nyong sisihin si angelica dahil maraming gustong kumampi sa kanya…actually, give angelica the credit for keeping her mouth zipped despite being known as “palaban”…hindi ba kayo nagtataka kung pano nya nagawa un? it just goes to show na alam ni angelica kung ano gagawin nya at kung sinong papatulan nya..hindi kagaya ni claudine na puro dakdak kaya mukhang guilty

  4. Claudine, LAOS kana kc, kaya masyado ang papansin mo ngaun. Magbigay ka naman ng konting kahihiyan sa asawa mo. Masyado kang peke. Ikaw ang nagbroadcast ng sarili mong baho. Wala namang alam ang madlang pipol, hanggang sa nagngangawa kana nga. Kala mo naniniwala sayo ang mga tao, sinong niloko mo. Bakit hindi mo ituloy ang demanda, ng nagkakaalaman na.

  5. hay naku eto a nman c claudine d n ndala,karma yn sa knya kala nya ang linis -linis n nya.sya ang dakdak sa tv ,buti n nga d sya pinatulan ,good job angelica buti tahimik k lng,alam nming palaban but my delikadesa kng tao kya thumb up k sa amin.claudine d lng nman yng ung malaking scandalo ung kinasangkutan nya at kung naalaala nyo c rico yn d sana buhay p sya hanggang ngayon kung d dahil sa kataksilan nyo alam nmin un kc idol n idol nmin c rico dati at take note d sya pinalpit don cno ang isa sa nag-tanggol dati d b c mr .m din.my bf sya tpos nkikipag -kita sa iba ano b yon.tpos nman ngayon ano b yan.tpos sabi nya linis lng sya ng linis ng kalat ng kptid nya b4 cno ang nag-lilinis ng kalat nya ,tanong nmin sa knya.sana linisin mo din kalat nya n d nangdadwit ng iba ok.opinion ko lng po.

  6. claudine mahiya ka naman kay raymart kaw pa nagkakalat kun ano pinag-awayn nyo ni angelica.. sana nanahimik ka na lng.. kc wala naman alam ang mga tao kun ano un ppinag-awayn nyo..ngayon lantad na sa publiko.. eh sino ba yan martin castro.. kaw naman ng name drop not angelica.. kaw mismo naglalabas kun ano tsismis sayo.. isang pamilyadong tao hindi ganyan ka..eh salita ka ng salita.. kaw pa mismo nagkakalat kun yaw mo mapgtsismisan at masira reputasyon ng asawa mo..

    • kalokah ang lola nyo. sya pa mismo ang nag sponsor ng picture nong martin castro. sya na ang nagdala sa kahihiyan kay raymart sa ginawa nya. di ibig sabihin non malinis na sya. lalo pa nyang pinangalandakan sa tao kung ano’ng klaseng tao sya. ang hilig hilig pang gamitin ang Diyos tsk tsk tsk. customized ang pagka relihiyosa nya. feeling api pero saksakan ang pagka maldita!

  7. Hindi si Piolo ang sinasabing premyadong actor sa BI kasi hindi pakalat-kalat si Piolo noong hindi pa siya artista. Sa States lumaki si Papa Piolo.

  8. Si Ben Chan yata iyong negosyante sa BI. Noong early 90’s nachismis na naging boy-toy niya si Richard Gomez.

  9. Blind item 1: Gerald Anderson(tisoy and super pogi guy)

    Blind Item 2: Premier actor, super sikat from a network, super gwapo(Piolo Pascual)

    Blind item 3: Friendly gay businessman(couturier Inno Soto)

  10. mga inaway ni claudine:

    1. mark anthony fernandez

    2. abby viduya (iniskandalo sa bar)

    3. judy ann santos

    4. alfie lorenzo

    5. jan marini alano

    6. kristine hermosa

    7. angel locsin

    8. rico yan (kahihiyan talaga yan sa pamilya YAN kung nakatuluyan ni Rico at bago mamatay si Rico, idedemanda din dapat ni warfreak si rico tsk tsk)

    9. gretchen barretto… on and off.

    10. kris aquino

    11. angelica panganiban

    12. now ang taga pagtakip ng mga baho nya, si mr. M

    if i know di lang yan mga nakatunggali nya… mentally sick si claudine. sobrang warfreak. pag may nag tweet daw sa old twitter account nya pakisabi sa kanya meaning susugurin rin nya? oh my god. baliw na talaga ang claudita.

  11. Pingback: Chokoleit, kakasuhan ni Cristy Fermin ng libelo! » Panganiban, Barretto, Read, Chokoleit, Angelica, Cristy » Hottest Celebrity Gossip

  12. ANONG SABI MO MELCHOR, HINDI PALAAWAY ANG IMAGE NI CLAUDINE? EH DI BA INAWAY NA RIN NIYA SINA ANGEL LOCSIN, KRISTINE HERMOSA, AT KUNG SINO-SINO PA?

    • wala man lang magtanggol kay claudine nakakahiya. panay ang putak sa twitter wala namang pumapatol lalo sya tuloy nagmumukhang sabik sa gulo. yun na nga may asawa’t anak na di pa makuntento. maldita talaga. andaming baho nyan. kung hindi kay mr m. sa putik ang bagsak ng babaeng ito.

  13. nakakadiri ang mga actor na kumakabit sa mayayamang
    bading, talagang desperado silang sumikat at yumaman
    kahit bumaba ang pagkatao nila at gumawa nang bagay
    na abnormal.

  14. hayss sabi ng star magic tumahimik daw sya kc bopleks nmn bka kung ano ano pa masabi pg ininterview at malaman p ng madla n sinungaling sya… khit cnong pamilyadong tao n itsismis mo ng gnyan magagalit lalo n may anak kung ako yan d lang demanda aabutin mo

  15. C DUKOT QUEEN…MASAYA SYA KC MARAMING KUMKAMPI SA KNYA…NABIGYAN LNG NG ISANG TELESERYE LUMAKI NA ANG ULO…DTI C MR.M GSTO Q YAN PERO NGAUN D NA PO

  16. AY NAKU ANGELIKA MALAKAS LNG ANG LOOB MO KC MARAMING KUMAKAMPI SAU…PERO TINGNAN LNG NATIN QNG MAKAKAYA MO NG MAG ISA YAN HAHAHA…BAYAS ANG KAPAMILYA…GALING DIN NAMAN DYAN C CLAUDINE SA INYO PINAG KITAAN NYO RIN SYA TPOZ NGAUN PARANG WLA LNG SA INYO…HAY BUMALIK SANA SA N U ANG PINAG GAGAWA NYO KAY CLAU…MR. M PLASTIC KA PLA

    • @beverly
      baka nakakalimutan mo na masyado ring nasaktan si Mr M ngbiglang tumalon si clau sa gma7? at saka CARE niya HAS BEEN na yan? mas poprotektahan niya ang alaga niya. Kunting common sense lang :))

    • ang alam q kya xa umalis sa dos ksi binuro xa tlga ng management. ksi nga naman daw, sinisiraan nia mga kapwa nia talents sa star magic. di ba napablind item pa yun dti sa tabloid. hehehehe! si angel locsin nd naman din pala away pero pinagkalat ni clau na bata raw ng exec sa dos. si paolo contis ata cnugod na rin ata xa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.