‘Di Tanggap ang Pagkatalo kay Enzo Pineda: Sam Concepcion, nag-walk-out sa Candy Fair?!

UMIRAL DAW ANG insecurity ng young actor na si Sam Concepcion sa katatapos na Candy Fair nang ipinakilala ang itinanghal na number 1 Candy Cuties sa Celebrity Category at Regular Cuties Category, kung saan ang nagwagi ay ang Kapuso star na si Enzo Pineda.

Mukhang ‘di raw matanggap ni Sam na tinalo siya ng isang baguhan, dahil apat na taon din nitong hinawakan ang number 1 slot at ngayon nga ay naungusan siya ni Enzo sa text votes at Internet votes.

Kaya naman daw ang ending, hindi nito binati ang Kapuso star, ‘di tulad sa ibang nakasama sa Top 10 like AJ Perez, Bret Jackson, James Reid, Robi Domingo, Albie Casiño, Enchong Dee, Ivan Dorschner at Elmo Magalona. Tsika pa nga ng aming source, kung ilang beses na nagkakatabi si Sam at Enzo pero mistulang wala raw nakikita si Sam, habang malungkot ito at mukhang may malalim na iniisip.

Hindi nga raw ito makatingin kung saan naroon si Enzo, feeling daw yata ni Sam ay siya ang mas deserving na manalo at hindi ang Kapuso star. Dagdag pa ng aming source na pagkatapos na pagkatapos daw ng number ni Sam, super walk-out daw ito at dali-daling umalis. Hindi na raw ito nag-stay pa sa Candy Fair na dati naman nitong ginagawa noong siya pa ang nagna-number 1 sa Candy Cuties Celebrity Category.

MUKHANG MAY GIYERA patani between Arnel Ignacio at Japanese/Pinoy model-actor Suzuki Sadatsugu, dahil hindi sinipot ng Japinoy hunk ang naka-set na pictorial dito na si Arnel mismo ang nag-ayos, and of course nagbayad.

Galit na galit daw si Arnel dahil kung ilang oras siyang pinaghintay ni Suzuki sa kanilang tagpuan at ni anino nito ay hindi nakita. Bukod pa sa buong araw na wala itong nagawa at nag-cancel ng kanyang mga meeting para lang sa nasabing pictorial.

Bumubula nga raw ang bibig ni Arnel sa galit at paulit-ulit na naglitanya ng, “Siya nga ang tinutulungan, siya pa itong walang effort na pumunta. Biruin mo ba naman, hinihingian ko ng picture, ang ibinigay sa akin ‘yung one by one picture ba naman!

“At dahil nga espesyal siya sa akin at gusto kong tulungan, eh ‘di nag-set at gumugol talaga ako ng datung para lang sa isang bonggang pictorial, nang sa ganu’n, may magandang picture na siya at ‘yun ang ipakikita ko sa mga kausap ko sa taas para magkaroon siya ng show.” tsika raw ni Arnell.

Isa nga raw sa ipinagpuputok ng butse ni Arnel ay nasayang lang ang araw niya nang walang nangyaring pictorial. Bukod pa sa nagbayad siya nang mahal sa photographer, make-up artist at stylist. Dahil ang usapan nila ng mga kausap niya, matuloy o hindi ang pictorial ay babayaran sila nang buo.

Dagdag pa ng aming source na kaya pala hindi nakasipot si Suzuki, may alibi raw itong pumunta sa isang nadisgrasyang kaibigan sa Laguna at tinext lang siya kaya dali-dali raw itong pumunta roon at binaliwala na lang ang effort ng nahuhumaling sa kanyang si Arnel.

Pero ang nakarating namang tsika sa amin, kasama raw nito ng araw na iyon ang nililigawan nitong si Sexbomb Sandy Tolentino nang buong araw. Hindi kaya iniiwasan na talaga ni Suzuki si Arnell kaya hindi nito sinipot ang sariling pictorial? ‘Yun na!

BLIND ITEM: SINO naman itong makati pa sa gabing itim-itimang starlet na kao-ober da bakod pa lang sa isang higanteng TV network ang balitang nilalandi-landi raw ang bidang guwapitong aktor sa ginagawa nilang pelikula.

Grabe nga raw kung magpapansin ang starlet na ito na mukhang malakas ang tama sa nasabing aktor, at dahil certified lalaki at talaga namang lapitin ng chicks ang bidang aktor kaya naman daw game na game ito at sinasakyan ang panghaharot ng maitim na starlet.

Marami nga raw ang nakapapansin sa production sa ginagawa ng nasabing starlet, kaya naman daw dapat na talagang magbantay sa shooting ang asawa ni guwapitong aktor na isang aktres din, or else baka masalisihan na naman siya ng kanyang tsikboy na mister at maidagdag pa si itim-itimang starlet sa listahan ng mga babaeng dumaan kay aktor.

Sa ngayon daw, wala pang alam ang misis ni tsikboy aktor dahil nagsisimula pa lang ang panghaharot ni itim-itimang aktres dahil kasisimula pa lang nitong mag-shooting sa nasabing pelikula. Pero ‘wag daw pakasisiguro si itim-itimang aktres dahil matulis pa sa pulis kung umariba ang tsikboy na aktor, baka bukas makalawa ay mabalitaan na lang ng lahat na nadale na ni aktor ang itim-itimang aktres na ito na mukhang mahinhin, pero hindi naman pala. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

18 thoughts on “‘Di Tanggap ang Pagkatalo kay Enzo Pineda: Sam Concepcion, nag-walk-out sa Candy Fair?!

  1. sam concepcion is not mayabang. magaling lang talaga siyang sumayaw. sa galing nya sumayaw ay hindi makaka-sabay sa kanya ang kanyang mga kasama. samC has already achieve alot. his deped youth spoke person, world vision ambassador, one of the jollibee’s 9 most outstanding pinoy youth and at age 18 he already received more than 30 awards localy and internationaly.

  2. amoy na amoy ang kabaklaan ni enzo…dapat nagsabunutan na lang cla ni sam kc pareho naman clang girl! or baka pwede clang isama sa FHM…lols!

  3. Hoy. Di totoo yan. May guesting si sam after ng number nia, i was there, sinabi niya smen na hindi siya makakstay. MAY GUESTING SIYAAAAA!

  4. hay naku sa totoo lang super YABANG nyang si sam conception na yan! pag meron mga dance number ang group nila, super taas ng confidence sa sarili. sinasapawan ang mga ka-grupo na kala mo ba e sya yung lider. wala pa namang napapatunayan bukod sa nanalo sa singing contest at ngayon milya-milya na ang narating ng runner up nyang si charice.
    umayos ka nga iho. nde ka pang-masa. uber sa kayabangan ang dating mo, nakakaumay!

  5. Mukhang BAKLA Si Sam Talangka Concepcion!!! at UN Enzo Pineda nman na yan Ay Ewan Hindi mukhang Artista Mukha lang syang EXTRA!! Pogi pa mga tambay dito sa Kanto!!

  6. hala cno daw c enzo??? (sabay kamot sa ulo, diretcho sa yahoo search….)

    ENZO [WEB SEARCH]

    We have included sam conception-show only enzo

    hahaha.. wala palang enzo sa yahoo

  7. nagtataka ako na natatawa sa mga pictures ng mga writers ng paparazzi. pabataan ba ng profile picture, tanggapin nyo na matatanda na kyo at yung latest picture naman ang ilagay nyo ahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.