‘Di takot kay Jinkee Pacquiao: Krista Ranillo, manonood sa laban ni Manny?

OLA CHIKKA! NAG-IINIT na naman ang ulo ko rito sa hindi matapus-tapos na isyu nina Manny Pacquiao at Krista Ranillo. Ayaw ko mang pag-usapan, pero hindi matigil itong makati kong dila na fresh na fresh pa. Pero dahil nakasasawa na ang kahibangan nitong si Krista at Manny, parang hindi na rin fresh itong chika! Yuck!

Nakausap ng aking parazzi girl itong manager ni Krista na si Arnold Vegafria. Ayon sa aking parazzi girl, tinawagan daw ni Krista ang kanyang manager mula sa ibang bansa upang pasunurin ito sa lalong madaling panahon.

Dahil sa nalalapit na laban ni Manny Pacquiao sa Texas, napaparami rin ang activities ng hitad. Anong activities naman kaya ‘yun?! Eeeww!!

Kaya agad-agad pinapasunod ni Krista Ranillo ang kanyang manager dahil maging ang ticket ay naipa-reserve na niya. Taray, ‘di ba?!

Siyempre itong si Arnold ay talagang naloka. Mukhang pati siya ay hindi na maintindihan ang takbo ng utak ng kanyang alaga. Kaya pabiro man ang pagkasabi ay alam nating lahat na may something sa tanong ni Arnold na, “Hindi ka ba natatakot kay Jinkee?”

At alam n’yo ba kung ano ang sagot ng hitad? “Bakit ako matatakot sa kaniya, eh, siya nga itong takot kay Manny, takot na iwan siya!”

O, ano’ng say n’yo?! Ako?! Sooo itchy!! Yuck!

[ad#ad-text-links-1]

AT SPEAKING OF kati ay biglang nangati itong face ko nang maalala kong pabalik na rito sa bansa mula sa Japan ang one and only Superstar na si Nora Aunor! Bonggacious!

Noon pa man ay hindi mo na talaga maiaalis sa akin ang pagka-Noranian ko. Baliktarin mo man ang mundo o itali n’yo pa ako nang patiwarik, NORANIAN PA RIN AKO!

Alam ng marami ‘yan nang ipangalan ko sa ika-lima kong anak ang “GUYRICH” mula sa Guy at Richard love team. Say n’yo?! Taray, ‘di ba?!

At ngayon, nasa Japan pa ang Superstar upang magpaayos ng mukha, para sa kanyang comeback. At nakasisiguro naman akong hinding-hindi niya ipareretoke ang kanyang mata. Dahil naku, ‘day, isang titig lang sa iyo nitong mga mata ni Nora ay talagang matutunaw ka. Makuha ka sa tingin!

Tingnan n’yo itong si Boy Abunda, noon pa man ay nakuha na sa tingin, parehas ko, Noranian din. Tama nga naman siya na hindi madaling i-handle ang matagal mo nang idolo, ‘di ba? Para mo nang minanduhan ang magulang mo ‘pag ganu’n ang sitwasyon. Respeto na lang siguro at talagang ayaw na rin ni Boy na mawala ang pagiging fan niya kay Nora. Kaya bilib din talaga ko rito kay Boy, dahil ibang level ang pag-iisip at napakabait pa. Bonggacious!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya?! Sino itong award-winning actress na umalis ng bansa sa buong campaign period dahil may sama ng loob sa mga dati niya inendorsong mga pulitiko?!

Ganito nga ‘di ba… all out ang support nitong award-winning actress sa pangangampanya para sa kanyang mga kandidato tulad nitong “mahirap” at nitong “kamukha” niya. Parehas executive position ngunit matapos mailuklok sa puwesto at manalo ay kasabay nitong nag-fly away ang mga pangako para sa kanya.

Sabi nga nila, “Promises are meant to be broken.” Kaya ayun, maging buhay niya ay na-break din. Gumagamit daw ng bawal na gamot, nag-DH sa ibang bansa at ngayon, nagparetoke na!

Sino itong award-winning actress na nag-fly away dahil sa sama ng loob sa mga pulitiko?! ‘Wag n’yong sabihing hindi n’yo kilala! Gusto n’yo ng clue? ‘Wag na given na eh! Shunga na lang ang hindi makaalam. Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

7 thoughts on “‘Di takot kay Jinkee Pacquiao: Krista Ranillo, manonood sa laban ni Manny?

  1. magaling kasi sa kama si krista.
    subok ko na yan!

    _____________
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    _____________

  2. mas maganda na si ate guy sau ngaun, tita swarding! kaya abangan ang kanyang pagbabalik. naimbyerna lang c ate guy nung hindi sya matulungan ni ate glow, magdala ka ba naman ng drugs sa tate, e ndi naman pwde padrino padrino doon. kaya wait na lang ang ate guy sa pag-upo ng bagong presidente sa tindi ng galit k ate glow…

Leave a Reply

Your email address will not be published.