‘Di raw totoong ‘di niya gusto si Jennylyn Mercado Gov. Vilma Santos, inililigaw ang anak na si Luis Manzano!

NOONG FRIDAY AY pinuntahan ni Jennylyn Mercado si Governor Vilma Santos-Recto sa Kapitolyo ng Batangas para sa kanyang exclusive interview na ipinalabas sa Showbiz Central ng GMA-7. Para kay Jen, kakaibang karanasan iyon, dahil kung anu-anong intriga ang naglalabasan tungkol sa kanila dahil nga sa isyu ng ligawan nila ni Luis Manzano. Matagal na kasing naglalabasan ang tsika na hindi umano boto sa kanya ang Star for All Seasons para maging manugang!

Nasaksihan namin ang nasabing panayam ni Jennylyn kay Ate Vi. Halata si Jen na kabado pa sa engkuwentro nilang iyon, lalo pa’t hindi naman siya nagpapakaperpekto bilang baguhan sa pagho-host ng talkshow. Nahahalata ng mommy ni Luis na parang kinakabahan ang Kapuso star, kaya hinahawakan pa niya sa kamay si Jen at sinasabing huwag siyang kabahan, dahil magaling naman siyang mag-interbyu. Kaya tuwang-tuwa ang mommy ni Alex Jazz nang makumpleto ang kanyang mahabang interbyu.

Maaliwalas ang hitsura ngayon ni Jennylyn. Maganda ang kanyang mukha. Lagi na  rin  siyang naka-ngiti. Nabawasan na kasi siya ng mga problema, at ang maganda na lang sigurong mangyari ay ang pagkakapatawaran nila ng dating nakarelasyong si Dennis Trillo.

Nabigla si Jen nu’ng dumako sa usapin ng mga manliligaw ang tsikahan nila ni Ate Vi, dahil tinanong siya nito kung: “Jen, pinalusot mo na ba ang anak ko?” na ibig sabihin ay kung sinagot na niya si Luis. Tumawa lang si Mercado, pero sa mga birong pagbubuking ng wife ni Senator Ralph Recto ay lumalabas na laging welcome at iniimbitahan ang Kapuso actress kapag may mahahalagang okasyon sa kanilang pamilya.

 

PAREHONG DAPAT HARAPIN nina Raymond Bagatsing at ng kanyang pinakasalan sa Amerika na si Cora Pastrana ang kontrobersiyang kinasasangkutan nila ngayon. Biglaan kasi ang naging pagpapa-kasal noon, pero hindi na ikinagulat ng mga taga-showbiz ang mabilisan nilang paghihiwalay, dahil may record na talaga si Raymond ng mabilis na kasal, mabilis ding hiwalayan, dahil ganu’n ang nangyari sa kasal nila ng Tisay na aktres na si Lara Fabregas.

Naunang bumalik sa Pilipinas si Raymond at naiwan si Cora, na para sa kaalaman ng marami ay dating manunulat sa showbiz, at may pen name din daw dati na Maan Webber na kakilala siyempre nina Manay Ethel Ramos, Manay Lolit Solis at Manay Letty Celi. Mabait na tao si Raymond, pero ang mga tira sa kanya na dinaan sa blind item, ay user umano siya, dahil ginamit lang si Cora para magkaroon ng green card. Nagkaroon pa ng intriga, na hinuthutan pa daw ng aktor ang dating manunulat. Pero mayroong mga nagtatanggol naman, na papaano raw huhuthutan si Pastrana, gayong may trabaho lang siya dati sa ibang bansa, pero hindi naman siya talaga mayaman?

Nakalulungkot lang, na ang paghihiwalay raw nina Raymond at Cora ay hindi maganda. May usap-usapan na iniwan daw talaga diumano ng aktor si Cora nang basta na lang. Ang karelasyon ngayon ni Raymond ay ang Mexican-American na si Vanessa Cortez. Bilang respeto sa kapwa manunulat na si Pastrana, ang simpatiya namin sa kanya ay nanggagaling sa aming nabalitaan na kaya siya sobrang nasaktan sa hiwalayan nila ay dahil iniwan siya ni Raymond sa panahong mahal na mahal niya ang isa sa mga bida ng teleseryeng Time of My Life ng GMA-7.

 

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY kay Kuya Boy Abunda! Hindi na natin siya pupurihin dahil puro ganu’n na ang natatanggap niya sa mga panahong ito ng kanyang buhay. Ang wish lang natin sa kanya ay ‘yung katuparan ng lagi niyang pinakamimithi, na maging okey ang kanyang butihing ina mula sa palagi nitong karamdaman. Parang bata si Kuya Boy, minsan sa isang panayam, na sinabi niyang nagiging napakasaya niya kapag okey ang health ng kanyang mommy na inspirasyon niya sa lahat ng tagumpay na nakakamtan niya ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

9 thoughts on “‘Di raw totoong ‘di niya gusto si Jennylyn Mercado Gov. Vilma Santos, inililigaw ang anak na si Luis Manzano!

  1. BAKLA BA TALAGA SI LUIS MANZANO? MATAGAL NG ISSUE YAN AT DI MAMATAY MATAY ANG KWENTONG VAKLUSH ANG ANAK NI GOV…BAKIT E ANO NAMAN KUNG BAKLA SI LUIS, SIGURO NAMAN MATATANGGAP PA RIN SIYA NG LIPA KAHIT ANO PA SIYA…WALA NAMAN SA KASARIAN YAN E, ANG IMPORTANTE AY MAGING TOTOO SYA,….LUIS IF I WERE YOU WAG MO SILANG INTINDIHIN , BE PROUD AT DI KA NAG IISA LUIS…MARAMI KANG KAPANALIG…

  2. @Tangnamoka: lahat ng mga kasamaang namumutawi sa bibig mo,babalik sa iyo at sa lahat ng mga mahal mo sa buhay!Punyeta ka!

  3. @tangnamoka: kitang-kita ang pait at pagkaampalaya mo sa kasikatan at success ng anak ni vilma santos!inggit lang kayo dahil hindi nyo narating ang tagumpay ng isang luis manzano! to hell with you!

  4. Si ate vi In denial pa rin sa kasarian ni luis…sirena po governor ang anak nyo…kawawa naman ang mga babae laging naloloko ng mga syokla tulad ng nangyari kay carmina at KC…

  5. Pingback: ‘Di raw totoong ‘di niya gusto si Jennylyn Mercado Gov. Vilma Santos, inililigaw ang anak na si Luis Manzano! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.