‘Di patitinag sa surveys: Gibo, dinudumog sa rally

HABANG PATULOY SA paghahanap ng butas sa isa’t isa at pagbabatuhan ng putik sina presidential candidate Benigno Aquino III ng Liberal Party at Manuel Villar ng Nacionalista Party, kampante naman ang pambato ng Lakas-Kampi-CMD na si Gilbert “Gibo” Teodoro na hindi maapektuhan ng mga naglalabasang resulta ng survey ang kanyang kandidatura.

Patunay rito umano ang naging pagtanggap kay Teodoro ng libu-liubong tao na dumalo sa campaign rally na isinagawa noong Biyernes ng gabi sa Mandaluyong City. Hinamon pa ni Teodoro ang mga kumpanyang nagsasagaw ng iba’t ibang survey na ilaban ng mga ito ang kanilang 1,500 na sample sa may 30,000 tao na dumadalo para suportahan siya sa kanyang kampanya sa pagkapangulo.

“Let them match what happened tonight. No entertainers, no controlled crowd,” maalab na pagtatalumpati ni Gibo mula sa entablado sa Nueve de Febrero Street, na binalikan ng malakas na hiyawan ng pagsang-ayon ng mga makapal na taong nagtipun-tipon sa nasabing rally.

“I’ll match the anonymous 1,500 respondents that they usually ask for their surveys with the 30,000 who are now here—1,500 against 30,000. I’ll place all my bets on you.”

Sinabi pa ni Teodoro sa kanyang naunang talumpati na mukhang nagkamali siya ng petsa, dahil dinaig pa umano ng miting de avance ang dami ng taong dumalo.

Sa kanyang pagharap sa press sa gilid ng entablado, sinabi ni Teodoro na hindi siya makapaniwala sa napakalaking bilang ng taong dumalo sa rally.

“This is a turning point. Amidst all the black propaganda, people come out to show their support for all of us. And amidst all the mind-conditioning of surveys, what have you, this is the real survey: the 30,000 outside.”

Inihayag din niya ang kanyang apila: “To all our volunteers, to the youth, to the students, this is the time to come out and make a stand. Make your voices heard, and make the people feel your strength.”

Para naman sa mga hindi pa desidido: “We will convince the undecided by saying that competence, credibility is the key to the future of this country.”

Ayon kay Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, Jr., ang nasabing rally noong Boyernes ay para ipakita na ang nasabing lungsod, na may 200,000 rehistradong botante, ay solidong sumusuporta kay Teodoro.

Sinabi pa niya na siya, ang kanyang vice mayoral candidate na si Rene Sta. Maria, mga kandidato sa pagka-konsehal, at ang 26 sa 27 barangay chairperson ay masigasig na nangangampanya para kay Teodoro.

Gusto umano nilang ipakita sa buong bansa na hindi sila naniniwala sa mga survey, sabi pa niya sa mga mamamahayag.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

8 thoughts on “‘Di patitinag sa surveys: Gibo, dinudumog sa rally

  1. ANG SABI NI “PENGUIN 60” (kung sino ka man NA GURANG) AY:

    kung hindi man nakapagpasa ng bill si Noynoy, hindi naman siya nagnakaw paris ng mga nagpapasa ng bill na yan.may record ba si Noynoy an nagnakaw paris ng mga iniidolo nyo na maging Presidente?

    ANG SAGOT KO NAMAN AY:

    GANYAN, DI INAMIN MO RING WALANG NAGAWA SI NOYNOY ABNOY SA SENADO.

    ANONG HINDI NAGNAKAW? HINDI BA PAGNANAKAW ANG TAWAG DOON SA TANGGAP NG TANGGAP NG SWELDO AT PORK BARREL NA MILYON MILYON NA WALA NAMANG KAPALIT NA TRABAHO? SAMANTALANG MILYON-MILYONG PILIPINO ANG WALANG MALAMON. E ITONG NOYNOY ABNOY NA ‘TO MAY HACIENDA NA AY SYA PANG KUMUKUHA SA KANING ISUSUBO NA LANG NG MGA MAHIHIRAP.

    MAGNANAKAW DIN ANG TAWAG DOON. MASAHOL PA.

    26 YEARS OLD PALANG YANG NOYNOY ABNOY MO NAGKASALA NA NG GRAFT. DAHIL PAG-UPONG PAG-UPO NG NANAY NYANG SI CORY NAGTAYO AGAD YAN NG SECURITY AGENCY (SBA) NA KOMONTRATA SA IBAT-IBANG AGENSYA NG GOBYERNO. DOON MISMO ANG ADDRESS SA ARLEGUI. SA BAHAY NG PANGULO. ANG KAPAL. UMABUSO NA AGAD. LAHAT NAMAN NG ANGKAN NG MGA ABNOY NA ‘TO NAG KANYA-KANYA NG KABIG.

    DAPAT KINASUHAN YON PATI ANG NANAY NYA NG GRAFT PERO SYEMPRE KASABWAT SI NANAY
    NA SI “SAINT CORY OF DEMOCRACY” O DI BA? PWE, NAKAKAHILO ANG BAHO.

  2. Go Gibo! Go Green!
    tama nga naman mas kapani paniwala pa ang survey sa seven eleven at sa mga online voting kaysa sa SWS at PULSE ASIA na mga bayaran, na kung sino ang magpa survey ay sya ang mataas tulad na n lng ni noynoy at villar!
    BASTA G1BO kami! G1BO lang at wala ng iba sya lang ang karapat dapat!!!
    And sa isang site na PEP very obvious po kayong maka noynoy puro ang mga endorser ni noynoy na artista ang ini interview nyo! very biased!

    • NOYNOY ABNOY, NOYNOY ABNOY, NOYNOY ABNOY, NOYNOY ABNOY, NOYNOY ABNOY, NOYNOY ABNOY,

      ANG LAKAS NG LOOB KUMADIDATO PARA PRESIDENTE.

  3. Eh ikaw SANCAI, ano ka ba ni NINOY AT CORYNG MGA HUWAD NA BAYANI, NOYNOY ABNOY at ni KRIS IPOKRITANG LANDI?

    Di ba karugtong ka rin ng makati at sinungaling na dila ni Kris? NAGBUBULAG-BULAGAN KA KASI SA TUNAY NA BAHO NG MGA AQUINO-COJUANGCO. Kaya yang BOBO mong utak hilo na sa kasinungalingan at kaipokritahan ni KRIS

    Bakit ba nagngingitngit ka sa mga against kay NOYNOY ABNOY. Pabayaan mo silang sabihin ang gusto nilang sabihin. Hindi naman sa yo itong website na to ah!

    Wala ka ng ginawa kundi magngakngak dyan. Wala naman pumipigil sa yo kung gusto mong kalabanin si VILLAR. Palibhasa sukol na sukol ka na dahil totoo lahat ang sinasabi nila tungkol sa MABAHONG TINATAGO NG MGA AQUINO-COJUANGCO.

    HA HA HA NOYNOY ABNOY, NOYNOY ABNOY, NOYNOY ABNOY.

    SANCAI HILO, SANCAI HILO, SANCAI HILO, HA HA HA HAAAAAAAH.

  4. Hayaan mo na lang magbangayan ang ABNOY at ang KURAKOT. Ituloy ang laban. At sana di ka magbabago at padadala sa mga halimaw na gutom sa paligid mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.