‘Di pa raw tapos Mo Twister, may pasasabugin pa?!

BLIND ITEM: Nakakaawa pala ang isang kontrobersiyal at magandang young actress.

Nakapag-taping na siya good for three weeks para sa isang teleseryeng gagawin niya na hindi pa nailalabas, pero mukhang mapupurnada pa ito.

Alam n’yo kumbakit?

Pa’no kasi, masyadong naalarma ang TV station sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng naturang young actress. Baka ‘pag itinuluy-tuloy nila ito ay wala namang magpasukang mga advertisement, dahil nga sa isyung kinasasangkutan nito na hanggang ngayon, kahit nagdaan na ang Pasko at Bagong Taon ay hindi pa rin limot ng tao.

Naaawa nga sa young actress ang mga kaibigan nito, dahil sa pamilya pala’y ito lang ang inaasahan, pero naudlot pa. Susuwelduhin daw ng young actress ang lahat ng araw na nai-taping niya, pero hanggang du’n na lang daw ‘yon.

Gusto ng istasyon na siya’y manahimik muna hanggang sa tuluyang makalimutan ng mga tao ang isyu. Pero ang tanong nga ay paano naman ang kabuhayan ng babae? Paano ang pamilyang umaasa lamang sa mga kinikita nito kung patuloy na mananahimik?

At siyempre, sa pananahimik ay baka kung ano na lang ang magawa nito sa sarili sa sobrang depresyon at awa sa sarili.

Kaya nga in-announce na ‘yun mismong kasintahan ng leading man sana ng young actress ang papalit sa kanyang character sa teleserye.

Sa ngayon, ang gusto lamang mangyari ng istasyon ay “magpahinga” muna ang girl.

Pero kilala naman natin ang ex-boyfriend nitong mapanira, ‘di ba? Pa’no kung hindi pa ito nakaka-move on at maligaya pa ring “tinitira” si young actress nang pailalim?

 

UMPISA PA lang ng 2012, pasabog na agad ‘yung video scandal ng namayapang si Ramgen Revilla at dyowa nitong si Janelle Manahan na kuha sa digicam ni Ramgen.

Imbes na utugan kami eh, parang awa ang kumulob sa katawan namin, dahil ano ba? Patay na ‘yung tao, ba’t inilalabas pa ‘yung ganu’ng video?

Oo nga, kinunan ni Ramgen ‘yon at ‘yun ang trip nila ni Janelle, pero kung nabubuhay pa ba si Ramgen, lalabas ‘yon? Hindi naman, ‘di ba?

Ngayong wala na si Ramgen, ba’t lumabas at kumalat sa internet? Sino ang nag-upload para masaksihan ng marami? Ano ang gustong patunayan ng naglabas ng video?

Na ‘yung maamong mukha na ‘yon ni Ramgen ang walang respeto sa babae?

O, meron lang gustong gumanti kay Janelle, dahil hawak nito ang susi ng katotohanan para mabigyan na ng justice ang pagpaslang sa namayapang boypren?

Sa umpukan, feeling ng ilang kausap namin, hindi pa ito rito natatapos at baka me next video scandal pa ang magkasintahan.

Obviously, ang itinuturong nag-upload ng video ay ang sariling kapamilya rin ni Ramgen, dahil pag-aari nito ang digicam. Kung sa video ng celfone ito kuha, puwede pang ipautot na naibenta o nawala ‘yung celfone, kaya hindi nila alam kung sino ang kumuha at kumbakit ito lumabas.

So kung kapamilya mismo ni Ramgen ang naglabas, sino sa kanila ang naglabas?

 

HEARD FROM a friend na me pa-sabog pa raw si DJ Mo Twister na aabangan natin! Ano kaya ito? Another video scandal? Ano ‘to, wala nang saplot sila this time?

“Definitely, no! Mo can’t afford to have his pututoy seen on video!”

Basta raw abangan namin.

Actually, hindi kami nasasabik. Kung totoo man ito, sana, itigil na lang ni Mo, dahil kung nalulusutan man niya ang mga kagaguhan niya para sirain ang isang tao eh, nakalista naman lahat ‘yan sa Itaas at doon ay hindi na siya makakatakas.

 

Follow us on twitter (@ogiediaz) at pwede rin kayong manood sa amin online sa www.facebook.com/vibestayo. Ia-announce namin pag-eere na kami. Sa ngayon, paki-like na muna, ha? Hehehehe!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

13 thoughts on “‘Di pa raw tapos Mo Twister, may pasasabugin pa?!

  1. @tirador, hahaha, ako ba ang pinaringgan mo na bobo? It’s okay pero hindi ko talaga mahulaan kung sino na Lacson yong sinabi nila? Sino ba talaga? Yon bang husband ni Jodie Sta Maria na si Pampie ba yon?

  2. Sino ba yong sinasabing Lacson na anak ni Ping ang sinabing bagong bf ni Rhian? Yon ba yong dating asawa ni Jodie Sta. Maria? Di ba nagkahiwalay na Jodie from her husband na anak ni Ping Lacson ba yon? Anybody knows? Thanks.

  3. on feb 23, 2012 metro manila will shake up rock by magnitude 9.4 earthquake this is a warning in last year someone predicted a super typoon falls in philippine and its come true in ilagan in cdo see nostra u know it

  4. Pwede ba Mo, ano ba ang pinaggagawa mo, sinisira mo ang sarili mo, I lost my respect to you, no network will hire you for your bad vindictive actions. Stay there in New York, that’s where you belong, Get an apartment in upper Manhattan with the ghetos and where harlem is, it is worst than other tougher neighborhood.

  5. sino yung BI na actress, akala ko nung una ay si rhian ramos pero may kaya ang pamilya nya, kaya hind pwedeng sya yun, tska nandyan ang tita ida ramos nya para tulungan sya

  6. VIENNA VIENNA VIENNA SO-O-SAGE. . . .Everybody now. . .sing to the tune of Jumbo Hotdog. . . and a one and a two and a three. . .Vienna vienna vienna so-o-sage ! ! !

  7. HAHAHAHAHA……….PUTOTOY NI MO………..HAHAAHAHAHA………..WALA NA NAMANG CAREER SI MO EH DI IPAKITA NA NIYA YUNG HINDI NAMAN MAKIKITA………HAHAHAHAHA……………NOT UNLESS YUNG CAMERA NA GINAMIT EH PANG NAT GEO………..HAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.