‘Di pa man inilalantad, hiniwalayan na: Richard Gutierrez, inaming naging girlfriend si Jewel Mische

NAPANOOD KO ANG pilot episode ng Survivor Philippines Celebrity Showdown nu’ng kamakalawa ng gabi. Mukhang exciting naman.

Ang ganda ng opening nila at kaagad nagpakita na ng tunay nilang ugali ang ibang castaways. Marami pa raw dapat abangan sa sa mga susunod na episode dahil mas nakaiintriga ito.

Ang saya nga nila nu’ng nagkaroon sila ng party na ginanap sa Eivissa Club sa Tomas Morato nu’ng Lunes at doon nila sabay-sabay na pinanood ang pilot episode nito.

Todo-suporta ang buong pamilya ni Richard at nu’ng nakitang tumalon ng helicopter ang aktor, muntik daw himatayin sa sobrang kaba si Annabelle Rama. Naloka raw siya dahil hindi niya akalaing ‘yun ang mga pinaggagawa ng anak niya roon sa Thailand.

Mabuti na lang at dasal daw siya nang dasal nu’ng nasa Thailand si Richard. Idinaan na lang daw niya sa dasal.

Kasabay ng pagsisimula nitong Survivor Philippines, iniintriga naman si Richard sa magandang castaway na si Solenn Heusaff. Ang ganda naman kasi talaga nitong si Solenn at hindi ako magtataka kung ito ang ipapalit niya kay Jewel Mische.

Pero parehong itinanggi nina Richard at Solenn na may something sa kanilang dalawa. Talagang magkaibigan lang daw sila. Sabi nga ni Solenn, malabong ligawan siya ni Richard dahil kaibigan daw nito ang mga ex-girlfriends niyang sina Anne Curtis at Georgina Wilson.

Ang reaksiyon naman ng karamihan, naawa sila kay Jewel dahil kung kailan inamin ni Richard na naging sila, break na pala. Malaking bagay daw ‘yung ilang araw na pagmumuni-muni niya, nu’ng nagti-taping sila sa Thailand kaya siya nakapag-decide sa relasyon nila ni Jewel.

Pero nanatiling friends pa rin naman daw sila ni Jewel at malay natin baka magkabalikan din sila kung matutuloy itong maging leading lady sa Captain Barbell.

Abangan na lang natin iyan!

INIIWASAN NA NI Annabelle na pag-usapan ang insidenteng tinalakan nito si Angeli Pangilinan-Valenciano sa birthday party ni Ogie Alcasid nu’ng nakaraang Biyernes.

May mga narinig akong kuwentong kaya tinalakan niya si Angeli eh, dahil parang pinalalabas daw nitong may mga pinaretoke si Ruffa Gutierrez sa mukha. Kaya siyempre, react ang Bisaya at hindi paaawat iyan, tinalakan talaga si Angeli.

Pero tahimik na ngayon si Annabelle, siguro naayos na sila at napakiusapang huwag nang magsalita dahil I’m sure may maaapektuhan diyan.

May nangyaring gulo rin daw roon sa gitna nina Bayani Agbayani at Dingdong Dantes at naglabasan na nga ang dahilan, pero ayaw nang magsalita ng dalawa.

Sabi naman ni Bayani, nakakahiya nang palakihin ito dahil nasa iisang network lang naman sila kaya mabuting manahimik na lang.

Maayos na nagkausap daw sila ni Dingdong at hindi raw totoong muntik nang magkasapakan.

Pero narinig kong naawat lang sila nina John Estrada at Regine Velasquez, kaya siguro hindi na nauwi sa away.

Nandu’n pa naman si President Noynoy nu’ng mga oras na ‘yun kaya malabong magkagulo naman siguro sila du’n.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

18 thoughts on “‘Di pa man inilalantad, hiniwalayan na: Richard Gutierrez, inaming naging girlfriend si Jewel Mische

  1. gimik lang yan… nung may movie sina kc & rg…. hindi raw gf ni rg c jm…. after nung movie umamin yung broher ni rg na si rp na gf ni rg c jm..ngayon break na raw…ekkkkk ano ba…..

  2. Nakunan ng Tweetbiz na magkasama sa isang mall sa Makati City sina Kris Aquino at Mayor Junjun Binay.

    Kasama ni Kris ang kanyang anak na si Baby James.

    Narinig daw na nagtanong ang bagets sa kanyang madir kung mag-boyfriend na sila ni Mayor Binay at natawa raw si Kris.

    Nakunan ng mga tao ang eksena dahil hindi naman daw sinasaway ni Kris ang mga cellphone camera na nakatutok sa kanila.

    At dahil may mga ebidensiya na magkasama sila ni Mayor Binay, i-expect natin na lalong iingay ang mga tsismis tungkol kay Kris at sa biyudong alkalde.

  3. ekek lng ni bisya yang hiwalayan issue ni rg at jm noh! kyo naman panay ang patol nyo…alam nyo naman si bisaya magaling sa mga ganyang arte!

  4. Sinumbong ni AR kay RG na nagwawala si JM sa mga bars noong nasa Thailand si RG. Gusto kasing masulo ni AR ang kita ni RG kaya gusto nyang walang girlfriend ‘to. Ayan naniwala naman kasi Mama’s boy si RG. ‘Yan ang tunay na razon.

  5. Parati raw nasa mga bars si JM noong nasa Thailand si RG. Kaya sinumbong ni AR na nagwawala raw! Gusto kasi ni AR walang girlfriend si RG para sulo nya kita ng anak. ‘Yan talaga ang tunay na dahilan!

  6. nakakainis, lagi na lang akong nai-infect ng virus pag nagla-log on ako sa Pilipino Star kahit na meron akong anti-virus… Pakisabi mo nga Lolit sa administrator ninyo na linisin ang website nyo?

  7. MUKHANG MARAMING BASAGULERO SA GMA7. PALENGKERA Y PALENGKERO. SI ANNABELLE, KINATATAKUTAN NILA. BAKIT KAYA? PATI SI DINGDONG, NAKIKIBASAG ULO NA RIN DAHIL KAY MARIAN. ANG GUGULO !

  8. Pingback: ‘Di pa man inilalantad, hiniwalayan na: Richard Gutierrez, inaming naging girlfriend si Jewel Mische » Mukhang, Showdown, Marami, Read, Parazzi, Pinoy » Hottest Celebrity Gossip

  9. Pingback: News and Entertainment » ‘Di pa man inilalantad, hiniwalayan na: Richard Gutierrez, inaming naging girlfriend si Jewel Mische

  10. STYLE LNG YAN NI RICHARD HEHE..KUNYARI HINIWALAYAN PERO PAKANA NA NMAN YAN NIN BISAYA FOR KARER DONG! POR YOR KARER DONG!YAN SABI NI ANABEL KAY RECHARD HAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.