‘Di Napigilang Uminom Entertainer, Gulpi sa Manager

LUHAANG DUMULOG SA himpilan ng pulisya ang 24-anyos na bar entertainer matapos gulpihin ng floor manager dahil sa pagsuway sa utos nitong huwag uminom ng alak kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Pormal na naghain ng reklamo sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Mandaluyong City PNP ang biktimang si Beth Delgado, dalaga, stay-in entertainer ng Muy Bien Bar & Restaurant na matatagpuan sa San Francisco St., Brgy. Plainview, ng nasabing lungsod.

Kinilala naman ang inireklamo na si Alma Samaniego, nasa hustong gulang at floor manager sa nasabing ring bar and restaurant.

Ayon kay PO1 Monette Langil, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa loob ng nasabing bar and restaurant. Nabatid na bigla na lamang siyang nilapitan ni Samaniego saka pinagsasampal at sinabunutan bago tinusok ng ballpen sa mata.

Nauna rito, pinagbawalan siya ng manager na huwag makipag-inuman, subalit hindi niya ito pinakinggan dahil bahagi umano ng kanyang trabaho na makipagharap sa kostumer at uminom ng alak.

Kasong physical injuries ang inihahandang kaso ng pulisya laban sa suspek.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.