‘Di napigilan ni ‘Pedring’ Lorna Tolentino, pumirma na ng kontrata sa TV5!

MAAGANG DUMATING ANG magkasinta-hang Cong. Roman Romulo at Shalani Soledad sa birthday party ni Sen. Bong Revilla na ginanap sa Diamond Hotel nu’ng nakaraang Linggo para makaiwas siguro sa media na nagku-cover doon, pero hindi pa rin sila na-kaligtas. Na-interview pa rin sila tungkol sa balak nilang pagpapakasal.

Wala naman silang nasabi dahil ayaw pa muna nilang magbigay ng ano mang announcement sa ngayon.

Ang engagement lang ang kinumpirma nila, pero nahihiya naman si Shalani na ipakita ang singsing na suot nito.

Magkakaroon naman daw sila ng announcement at abangan na lang. Sabi nga ni Cong. Romulo, baka sa Wil Time Bigtime daw ang announcement nila.

Siguro okay lang naman kay Willie Revillame ‘yun.

Basta marami ang nakapansin na lalong gumanda ngayon si Shalani at kitang-kita namang inspired silang dalawa.

Hindi nga raw maipaliwanag ni Shalani kung ano ang naramdaman niya. Basta ang mahalaga, nagmamahalan sila at masaya sila sa kanilang relasyon.

Tinanong ng mga reporter ang dalawa kung ano ang reaksyon nila sa magandang mensahe naman ni P-Noy sa kanila. “Thank you” lang ang sagot ni Shalani at halatang umiiwas na itong magdagdag ng ano mang komento.

Basta bago matapos ang taong ito, magkakaroon naman ng announcement ang dalawa kung kailan talaga ang kasal nila.

 

KAHIT BUMABAGYO NU’NG Martes, hindi talaga nagpaawat ang TV5, huh! Talagang itinuloy nila ang contract-signing ni Lorna Tolentino na ginanap sa Edsa Shangri-La.

Nakakatuwa naman dahil kumpleto ang mga top executives ng TV5 para i-welcome si Lorna bilang bagong ka-patid ng naturang network.

Next week kasi ay magsisimula na ang taping ng Glamorosa at excited na rin si Lorna.

Isang taon lang itong napirmahan ni Lorna at ewan ko lang kung itutuluy-tuloy na niya ito.

Basta ako, happy na ako sa offer ng TV5, pero siyempre si LT naman ang magtatrabaho d’yan. Kaya kung saan siya kumportable, doon ako.

Pero gusto naman daw ni LT ang sisimulan niyang project sa TV5 at mag-uusap pa nga sila ni Eric Quizon na siyang magdidirek nito para lalo ni-lang mapaganda itong drama series nila.

Kasama ni LT dito sina Tonton Gutierrez, Zoren Legaspi at Alice Dixson.

Ang dami ko ngang nakita roon sa Edsa Shang. Bago kami tumuloy sa contract-signing, nagkita pa kami du’n ni Mother Lily kasama si Lea Calmerin ng Regal Films at nakamiting niya roon si Wilma Galvante.

Pagkatapos naming pumirma, tumuloy na si Lorna sa mini-presscon, at nakita ko naman doon si Deo Endrinal na nag-check-in doon dahil brownout ang buong Metro Manila. Nakita ko pa nga roon ang alaga kong si Paolo Contis kasama si Lian na doon din nag-check in.

Anyway, happy naman si LT sa paglipat niya sa TV5 at ang sunod ngang tanong sa akin, sino naman daw ang susunod kong ililipat doon. Hay, naku! Abangan n’yo na lang! Bobby Barreiro and Atty. Ray Angeles

Mga Mata ni Lolita

by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “‘Di napigilan ni ‘Pedring’ Lorna Tolentino, pumirma na ng kontrata sa TV5!

  1. GAGO ka pala maxado e, paanong pinaglipasan ng panahon, e nag uumpisa pa nga lang sila, TANGA!!! Baka kainin mo yang sinabi mo pag nasa itaas na ang TV5??? GAGA!

  2. ang tanong bakit umalis agad sa abs?…dahil lang ba sa pera o palakasan sa loob?…tsk tsk..laking tanga ng abs bakit di nila inaalagaan ang artista na to…kasi kung sino sino binibuildup puro bugok naman talent…pwe!

  3. maligayang pagdating lt sa tv station ng mga pinaglipasan na ng panahon at kasikatan…. bagay na bagay ka jan….

  4. Mas nakakabilib kung makuha ng TV5 sina Kris Aquino, John Lloyd Cruz, Marian Rivera,  Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Kim-Gerald,….

  5. Wow Lolit, siguradong daming milyones ang talent fee ni Ms. LT doon sa TV5, kaya happy 10% money to your mga mata Lolita. You’re probably laughing on your way to the bank right now, huh????

Leave a Reply

Your email address will not be published.