‘Di nagbigay ng pulutan Tindero ng pritong manok, inutas

TODAS ANG ISANG tindero ng manok sa mga kalugar na hindi nabigyan ng panindang manok para ipulutan ng mga huli sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan si Armando Lachica, 23 ng C. Perez St., Tonsuya ng lungsod.

Nadakip naman si Joey Quilaton habang pinaghahanap pa ang mga kasamang nakilala lang sa mga alyas na Angelo; Jeffrey at Jade pawang kalugar ng biktima.

Sa ulat, alas-3:30 ng umaga, naglalakad ang biktima sa C. Perez St., nang salubungin ng mga suspek at pagsasaksakin.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek kung saan nadakip si Quilaton habang dinala naman ang biktima sa PLM.

Nabatid na bago ang insidente, umaarbor ng pritong manok ang mga suspek sa biktima upang gawing pulutan, subalit hindi nabigyan na naging dahilan upang abangan at pagsasaksakin si Lachica.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.