‘Di na raw mahalaga kung boto siya kay Jennylyn Mercado o hindi Gov. Vilma Santos, importante ang kaligayah ng anak na si Luis Manzano!

STAR FOR ALL Seasons and Batangas Go-vernor Ms. Vilma Santos has a new movie titled The Healing under Star Cinema. Tiyak nang super excited ang mga Vilmanians dahil matagal na nilang hindi napapanood sa big screen ang kanilang idolo. Her last movie was In My Life noong 2009 where she won Best Actress from the 8th Gawad Tanglaw Awards, Gawad Suri Awards, 26th PMPC Star Awards for Movies, 41st GMMSF Box-office Entertainment Awards, 1st MTRCB Film Awards, and 4th Genio Awards. 

Isang naiibang pagganap ang mapapanood natin this time from Gov. Vi who plays a woman whose loved ones mysteriously die one by one. The suspense-thriller is directed by Chito S. Roño and also stars Kim Chiu, Janice de Belen, Pokwang, Mark Gil, Martin del Rosario, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Maria Isabel Lopez and Ces Quesada. Nakagawa na rin ng ganitong klase ng pelikula si Gov. Vi noong 70s gaya ng Takbo, Vilma, Dali at Hatinggabi Na, Vilma.

She was recently interviewed by Push.com.ph at hindi maiiwasan na mapag-usapan ang tungkol sa totoong estado ng relasyon ng kanyang anak na si Luis at ni Jennylyn Mercado na napapabalitang nagkakamabutihan ngayon. Lagi nang naiinterbyu sina Luis at Jen who are vocal that they are exclusively dating pero ano nga ba ang tunay na saloobin ni Gov. Vi sa isyung ito?

“Ha? Ewan ko sa inyo (laughs). Ayoko basta gusto ko lang sabihin, masaya ang anak ko. Period. Walang comma! Sila ang habulin ninyo at tanungin ninyo. Hindi ako ang in love. Ayokong maging chismosa. Basta ang importante alam kong masaya ang anak ko. Hanggang dun lang kaya kong sabihin. Bayaan mo na. ‘Yun lang. Tama na. (laughs). Ako rin gusto ko magsalita eh, pero ala-ngan namang mauna pa ako sa kanila. Bayaan mo, buhay nila ‘yun and then sila na muna. Basta, I guess what’s important is masaya sila,” Gov. Vi said.

Nagkita na raw sila ni Jen nang ilang beses at pawang magaganda naman ang kanyang mga sinabi tungkol sa aktres. “She’s very nice. She’s very nice in a way na taong-tao kasi, eh. Totoo, eh. Kalog din kasi. Alam ninyo naman si Luis napaka-kalog, ‘di ba? Pasensiya na kayo sa kakalugan nu’ng anak ko pero ganu’n talaga ‘yun kaya masayang tao ‘yun and siguro kaya sila nagki-click in a way, kalog din si Jen, eh. Parang ano rin eh, down-to-earth, so ‘yun.”
Gov. Vi chose not to comment on Luis’ choice of women. “Alam mo it’s not a matter of boto o hindi ako, eh. Ang importante sa magulang masaya ang anak. And then because at the end of the day, hindi ako ang makikisama, ‘yung anak ko. And as a mother, I guess ang pinaka-importante sa akin is maligaya ang anak ko, ‘yun lang,” she said.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “‘Di na raw mahalaga kung boto siya kay Jennylyn Mercado o hindi Gov. Vilma Santos, importante ang kaligayah ng anak na si Luis Manzano!

  1. TANGA C LUIS KUNG PAPAKASALAN NYA C JENNYLYN KC BUKOD SA LASPAG NA YAN MAKATI PA. DI YAN MAKUKUNTENTO SA ISANG LALAKE LNG AT DARATING ANG PANAHON NA MAGIGING PENDEHONG BAKLA C LUIS. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.