‘Di na matiis ang ‘machine gun’ ni misis Mister, nagtangkang Magpakamatay

DAHIL SA PAGBUBUNGANGA ni misis, isang mister ang hindi matiis ang pambubulyaw ng kanyang maybahay ang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason kahapon ng hapon sa El Salvador, Misamis Oriental.

Kinilala ang mister na si Billy Bado Edroso, 33-anyos ng Barangay San Francisco ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa pahayag ng asawa ni Billy na si Elvie, nagpaalam ang kanyang mister na makikipamiyesta sa kanilang mga kapitbahay at hindi niya ito pinayagan dahil sa malalasing lamang ito sa kanyang pag-uwi.

Hindi napigilan si mister at nang makalingat si misis ay tumaililis ito at nang umuwi dakong hapon na ay lasing na lasing itong sinalubong ni Elvie ng “machine gun” niyang bunganga at kung anu-anong masasakit na pananalita ang binitawan gayung tahimik lamang na nakikinig si mister.

Nabigla na lamang sila nang biglang kinuha ni mister ang lason na nakalagay sa bote, sabay ininom kung kaya’t agad itong dinala ng kanyang pamilya sa Northern Mindanao Medical Center sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas ang biktima sa emergency room ng nabanggit na pagamutan.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.