‘Di na makabayad ng utang Trike Drayber, Nagbaril sa Sarili

HINDI NABABAYARANG PAGKAKAUTANG ang sinasabing dahilan ng pagpapakamatay ng isang tricycle driver sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng kanyang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Joselito Nuñez, 33, binata, tricycle driver at naninirahan sa 26553 Robis 1, Brgy. 175, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Base sa  ulat ng Caloocan Police, bandang ala-1 ng hapon nang matagpuang ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang bahay.

Nabatid na ang biktima ay natagpuan ng kanyang kapatid na si Gregorio Nuñez, nasa hustong gulang, na wala nang buhay at may tama ng bala ng kalibre .38 baril sa kanang bahagi ng ulo.

Napag-alaman na bago maganap ang pagpapakamatay ng biktima ay lagi itong nakikitang wala sa kanyang sarili at iniisip ang kanyang hindi nababayarang utang.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ng follow-up investigation para malaman kung sadyang nagpakamatay ang biktima o may naganap na foul play.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.