‘Di na-extend sa trabaho, nang-agaw ng sasakyan ng amo

KALABOSO ANG ISANG 27-anyos na lalaki nang ta-ngayin nito ang sasakyan ng kanyang amo na hindi tumupad sa usapan na bibigyan siya ng trabaho sa bayan ng Balasan, Iloilo.

Kinilala ni Insp. Roweno Pomoy, hepe ng Balasan PNP, ang dinakip na si Joel Bernil, residente ng Poblacion, Carles sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Pomoy, tinangay ni Bernil ang pick-up ng kanyang amo na si Wilfred Yap ng Roxas City sa Capiz, subalit nahuli ito sa Barangay Kinalkalan makaraang bumangga sa poste habang hinahabol sa hot pursuit operation ng awtoridad alas-2 ng hapon noong Sabado.

Sa imbestigasyon, inaba-ngan ng suspek ang negosyante sa tulay ng Barangay Banica sa Roxas City saka tinutukan ng kutsilyo at inagawan ng minamanehong pick-up at kaagad tumakas papunta sa lalawigan ng Iloilo.

Sinabi pa ni Pomoy na sumama ang loob ng suspek matapos hindi nabigyan ng ipinangakong trabaho ng kanyang amo.               (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.