‘Di na aktibong aktor, sa Amerika nagladlad ng kapa!

TALAGANG ANG BAKLA, ay bakla, ay bakla! Ang paglaladlad ng isang bading ay namimili lang ng tamang panahon ayon sa kagustuhang paglaladlad ng isang personalidad. Katulad na lamang ng isang napakaguwapong aktor na sumikat dahil sa isang noontime show na mga bagets ang bida. Itago na lang natin siya sa pangalang Michael Jose.  Mabilis tumangkad si actor, kaya nu’ng kasali pa siya sa nasabing show ay larga at kitang-kita na ang kanyang porma, dahil binatang-binata na siya. Para din kasing may lahi siyang banyaga.

Pinagpapantasyahan noon ng mga kababaihan at kabadingan sa showbiz si Michael, dahil bukod sa matangkad siya na brusko ang dating ng kaguwapuhan dahil balbon siya, bakat na bakat lagi ang ipinagmamalaki niyang harapan. Matalino siya, Inglesero at wala siyang tanong na hindi kayang sagutin. Taklesa rin siya na mahilig magtaray. Pero ganu’n lang.  Napansin lang siya, dahil magaling din siyang umarte. Magaling na kontrabida. Pero umaalingasaw noon ang tsismis, na bading daw siya. Hindi niya inamin sa telebisyon, pero sa mga piling kaibigan at pinagkakatiwalaang tao sa showbiz ay ipinapahalata niya na bading siya. Hindi naman siya malamya kumilos sa harap ng kamera, dahil brusko nga siya, kaya hindi naniniwala ang kanyang mga fans na siya ay bading.

Unti-unting nawala sa uso ang kasikatan ni Michael, kaya iniwan muna niya ang showbiz at sinubukan ang ibang larangan. Nangibang bansa siya. Ang latest na chicka ay head na siya ng mga roomboys sa isang 3-star hotel sa America.  Pero kakaiba na raw ngayon si Michael, dahil hindi na astig ang mga kilos niya. Bumigay na siya. Bonggadera na siya, dahil nagbibihis-babae na raw ngayon ang dating kontrabida. Kung nami-miss n’yo na siya, dahil nawawala na sa showbiz…  Siya na nga ‘yon. Kuha n’yo?

(By Melchor Bautista)

loading...

26 thoughts on “‘Di na aktibong aktor, sa Amerika nagladlad ng kapa!

  1. Being bakla eh hindi naman nakakahindik na kwento. Sa US, mga kilala pang artista eh di nila ikinahihiya at di nilalait kung magladlad sila. It is being truthful to your fans and to yourself. Tumigil na kayo sa kalalalait and BI kung bakla eh di bakla, ok lang.

  2. Oh no! It’s not jOvit moya. The bi says balbon, maY halong ibang lahi, and nami-“miss” ( miss – Mesa?). Could it be Michael de Mesa? Am sorry jovit, am sorry fans of jovit. But in fairness gwapo si jovit moya.

  3. si jovit moya andito lang sa pinas rumarampa pa din un sa mga sinehan sa pasay at baclaran at nagkalat un sa mga bar sa malate hahahhaa

  4. SINETCH BA talaga etetch… mga vaklush…at saka vhakla na kung vhakla… eh ano ngayon… inggit lang sila ….we are happy ang GAY! babush!

  5. ang hirap hulaan kasi lahat na halos ng lalaki yata ngaun puros bakla na. as young as toddlers nakikitaan ko na ng simtomas na magiging bading sila paglaki. hayzzzz! :(

  6. WELL, MAY POINT KA DYAN. PERO HINDI NAMAN LAHAT NG BADING GANUN KABALAHURA. BADING DIN AKO AT ALAM KO ANG LIMITATIONS KO AT AYAW KO DING HINDI IRESPETO NG KAPWA KO.

  7. Pano naman irerespeto ang mga BAKLA, pulos kamunduhan ang pinaggagawa!!!! Punta ka sa mga sinehan, malls and public toilets, may mga nakatambay na nga bakla at naghahanap ng mahahada. May isang mall nga dyan sa Recto, parang nagpa-fashion sila sa kaiikot. Minsan pa, kandong2 nila mga kabataang eded 14-15. Wala silang pakialam. Tapos, gusto nila na igalang ang kanilang mga karapatan. Igalang kaya muna nila ang karapatan ng mga kabataan, ng mga menor de edad na hinahada nila. Hay!!!!

  8. ang sabi, “napakagwapong actor”. hindi naman gwapo si jovit mya anoh?? at saka andito sa pinas yon, pulis na!

  9. hoy cheche bureche dami mo reklamo. Wag ka na mgbasa ng mga article dito kung lahat lang naman eh lalaitin mo.

  10. Why do make it sound like being a BAKLA is disgusting and filthy? The truth is, IT IS NOT!…in defense of the gays and lesbians around the globe, your article stinks. While obviously you are one of the “sisters” what rights do you have reporting these sorts of things? You need to travel around the world more. Enough of your witch hunting.

Leave a Reply

Your email address will not be published.