‘Di makayanan ang sakit Diabetic, nagbigti

NAGBIGTI ANG ISANG mister matapos hindi na makayanan ang sakit na diabetis sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Patay na nang makita si Icasiano de Sotto, 63, ng Lords Candle St., Mapulang Lupa ng lungsod.

Sa ulat, alas-7 ng umaga nang nakitang nakabigti ng telephone cord ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng kanyang anak na si Fernan.

Nabatid sa kaanak ng biktima na labis na itong nahihirapan sa kanyang sakit na sinasabing dahilan upang magpakamatay.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.