‘Di lang pagpapa-sexy ang kaya: Sheree, stage actress na!

WE TOOK NOTICE of the recent episodes of TV5’s Sunday talkshow Paparazzi focusing on one of the controversial hosts na si Ruffa Gutierrez at napansin namin na hindi na masyadong revealing ang mga isinusuot niyang damit unlike before although nandu’n pa rin ang kanyang sense of fashion.

For sure, medyo nalungkot, in a way, ang ibang boylets na laging nag-aabang sa plunging neckline ni Ruffa in every episode of Paparazzi na kulang na lang e, mag-hello ang kung anumang nakatago sa loob ng neckline na ‘yon.

We can’t help but to connect na nu’ng napag-uusapan silang dalawa ni John Lloyd Cruz, sunud-sunod ang pagsusuot ni Ruffing ng mga makaluwa-matang mga damit. Pero ngayong ang Smartmatic executive na si Cesar Flores na ang nali-link sa kanya, medyo naging tame nang kaunti ang kanyang mga isinusuot. Kaya sorry na lang for the male followers ng matangkad na TV host.

Dahil du’n, we learned from someone close to the said TV host na medyo naging vocal daw sa pagwowo-worry  si Mr. Flores sa mga isinusuot noon ni Ruffing sa kanyang show which makes every man’s jaw drop. Kaya ayun, kagaya ng Smartmatic, naging automated din ang bilis ng pagpapalit ng neckline ng kanyang mga gowns na isinusuot.

Kung true man ito, mukhang ibang klaseng technology ang ginamit ni Cesar kay Ruffing para maimpluwensiyahan niya ito nang ganu’n, ‘di ba? Whatdayathink mga boys, agree ba tayo ro’n??!

WITH THE INCLUSION of Viva Hot Babe Sheree sa stage musical na The Wedding Singer as the understudy ng character ni Linda, siguradong mag-iiba na ang tingin sa kanya ng madlang pipol.

Kapag na-prove niya ang kanyang sarili na she can definitely sing and dance in a popular stage musical, siguradong makikilala na siya, not just a sexy star butalso, as a stage actress in the real sense of the word at dahil dito, talagang aabangan namin ang paglabas niya ro’n para makita namin ang kanyang versatility bilang performer.

Kung tutuusin, hindi na rin naman kasi alien kay Sheree ang pagkanta dahil bago pa man siya pumasok sa entertainment scene, isa na siyang manganganta sa Cagayan de Oro at ngayon nga, mapa-practice na niya sa stage musical na ‘yon ang kanyang first love, which is singing.

Suwerte na rin si Sheree, kung tutuusin, dahil ang balita namin, maraming named stars from Kapuso and Kapamilya networks ang nag-audition para sa iba’t ibang characters sa The Wedding Singer pero ilan lang silang napili at nakapasok.

Ayos ba, Sheree! Kaya sana, peace na tayo, huh! He-he-he!!!

According to Nanay Joy Cancio, malapit na ang 3rd wave ng Danz Showdown sa GMA-7 kaya naman pati ang mga televiewers na regular na tumututok dito, nate-tense na rin kahit na alas-diyes pa lang ng umaga.

Paano ba naman, from over a thousand of hopefuls, iilan na lang silang naglalaban-laban at nagpapatagisan sa pag-split at pag-ikot sa ere nang walang kapagud-pagod. Kaya sino ba naman ang hindi mate-tensiyon, ‘di ba?

With this developments at kapag nakakuha na ang Focus Entertainment ng mga bagong Sex Bomb members coming from the search, siguradong bobongga na naman ang all-female group na ito na kumabog sa iba pang mga girl groups before. Kaya goodbye na sa mga ex-bombers and say hello to the future bombers.

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

2 thoughts on “‘Di lang pagpapa-sexy ang kaya: Sheree, stage actress na!

  1. From Kim_World

    [kim_world] our stand… and it hurts…Full View
    From: Donna Cortez Add to Contacts
    To: kim_world@yahoogroups.com

    ——————————————————————————–

    This is to break our silence…

    Alam nyo naman na hindi kami basta mapagpatol sa mga issues… lahat ng bagay binabalanse namin before kami maglabas ng opinion namin, transparent kami that we’ll support them sa lahat ng projects nila together or individual man yan… in fact, everytime na ****** ng nega ang issue naglalabas kami ng statement namin kung anu ang alam namin, coz we trust and have faith on them… na madalas na c anderson ang involve… we defend him sa abot ng aming makakaya para maliwanagan kayong lahat…

    WE LOVE KIM and WE LOVED ANDERSON for who they really are, not because of what they are in reel and real life…

    pinag isipan at pinag usapan namin ito ng husto at masinsinan at napakasakit man para sa amin pero we came to this decision:

    as a moderator and on behalf of all d kw execs, we are withdrawing our support to GERALD RANDOLPH OPSIMA ANDERSON, JR. from this moment…

    we’re not into the loveteam issues nor to their personal life and decision… sad to say mas may malalim at matinding reason kaming pinanghuhugutan. .. na hindi na kailangan pang i-elaborate. ..

    we’re not forcing anyone to stay or makisimpatya sa amin, karapatan nyo yan kung aalis kayo dito sa yg… wala ring sinuman ang may karapatang magcondemn sa decision namin… we are entitled to our own decision… walang tama o mali sa atin, it depends sa paninindigan natin…

    ang tanging magagawa namin / natin is to show our all out support for KIMMY… and pray na sana wag lang c kim ang laging ipinahaharap sa media…

    GOD BLESS US ALL!

    ————————————————————————————————————————————

    statement ng KIMERALD WORLD dati…. ngayon KIM WORLD NA LANG…. KIMERALD BAO’s dati ngayon KIMBAO’s na lang……

Leave a Reply

Your email address will not be published.