‘Di kuntento sa artistang misis: guwapong aktor, humihingi ng date sa anak ng kilalang personality?

TINATANONG KAMI NG isang kaibigan kung maligaya ba ang isang guwapong aktor sa piling ng misis nitong artista rin.
Sabi ko naman, oo. Dahil ‘pag napapanood naman namin pareho sa TV ang dalawa, parang kainggit-inggit ang kanilang relasyon, lalo na ‘pag nakikita namin ang buong pamilya nila.
Baket ba?
“Eh, ito kasing lalake, tawag nang tawag sa friend ko,” at ito raw ay anak ng isang kilalang personality.
Baka naman super friends ‘yung dalawa?
“Hindi, no! Humihingi ng date eh, me boyfriend ‘yung girl. Pakisabi mo naman sa kanya, ‘wag nang makulit!
“Nakakahiya naman sa misis n’ya. Kung ako sa kanya, hindi na ko maghahanap ng iba. Eh, ang ganda-ganda ng misis niya at mabait pa.
“Ano kaya ‘yun? Nasa midlife crisis na ba siya at nabo-bore na siya sa buhay n’ya?”
Kahit daw yung babaing kina-career ng guwapong aktor ay nahihiya sa misis nito, kaya super iwas din ito.
Hay, nako. Sana, hindi ito totoo. Dahil ‘pag nagkataon, hindi ito okay-okay.

(By Ogie Diaz)

loading...

16 thoughts on “‘Di kuntento sa artistang misis: guwapong aktor, humihingi ng date sa anak ng kilalang personality?

  1. Pingback: ‘Di kuntento sa artistang misis: guwapong aktor, humihingi ng date sa anak ng kilalang personality? | Pinoy News

  2. Pingback: ‘Di kuntento sa artistang misis: guwapong aktor, humihingi ng date sa anak ng kilalang personality? - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.