‘Di Kinaya ang Tambak na Problema; Kelot, Nagbigti

PATAY ANG ISANG 22-anyos na binata matapos itong magbigti sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Brgy. Central West, Bauang, La Union. Nakilala ang biktima na si Efraem Jeric Brengses.

Sa nakalap na ulat mula sa Bauang PNP, natagpuan na lamang ng kanyang live-in partner ang biktima na nakabitin ang katawan sa loob ng kanilang tahanan at wala nang buhay.

Cellphone charger at pinagdugtung-dugtong na sinturon at damit umano ang ginamit ng binata sa kanyang pagpapakamatay.

Nabatid din mula sa mga nakakakilala sa biktima na ang madalas na pag-aaway umano nila ng kanyang live-in partner, problema sa pamilya at matinding pangangailangan sa pera na pambayad sa upa sa bahay ang nagtulak upang wakasan nito ang sariling buhay.

(Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.