‘Di inalok ng tagay, nanaga ng nagbi-birthday

RIZAL – TINAGA NG 24-anyos na kapitbahay ang isang birthday celebrant matapos na hindi siya alukin ng tagay habang siya ay dumadaan sa tapat ng bahay nito kahapon ng madaling-araw sa bayan ng San Mateo.
Kinilala ni San Mateo chief of Police P/Supt. Carlito Briones ang suspek na si Michael Mirasol, residente ng North Libis, Dona Pepeng Subd., Brgy., Banaba, ng nasabing bayan.
Ginagamot naman sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktima na si Christian Brosola, 21 anyos, birthday celebrant at kapitbahay ng suspek.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa bahay ng biktima kung saan masayang nag-iinuman ang mga ito kasama ang mga kaibigan.
Bigla na lamang umanong tinadyakan ng suspek na may hawak na itak ang pintuan ng bahay ng birthday celebrant na ikinatapon ng inumin at pulutan ng mga nag-iinuman.
Agad na tinaga ng suspek ang biktima na tinamaan sa braso at bago pa nagawang sundan ay nahawakan na ito ng ilan pang kainuman ng biktima at nadala sa himpilan ng pulisya.
Sa himpilan ng pulisya sinabi ng suspek na sumama ang kanyang loob dahil sa hindi man lamang siya iniimbita ng kapitbahay gayung ilang beses na siyang dumaraan at mas gusto pa nitong kainuman ang mga kaibigan na dayo lamang.
Pinag-aaralan na nang pulisya kung dadalhin muna sa National Mental Health ang suspek bago ito sampahan ng kaukulang kaso. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.