‘Date’ nina Angel Locsin at Phil Younghusband, puro gimik?!

SIPAT: IPABUBUGBOG daw ni OGIE DIAZ si DJ MO TWISTER?!

EKLAT: ‘WAG naman… BAKA MASIRA ang KARTADA ni MO!

SIPAT: Dapat ay HAMUNIN na lang ni MO si OGIE!

EKLAT: …ng DALDALAN!

SIPAT: INAMIN na ni HAYDEN KHO na NAGTANGKA talaga siyang MAGPAKAMATAY.

EKLAT: SAYANG… MISTERYO sana ‘yon, e!

SIPAT: P100-M ang PELIKULANG GAGAWIN ni Gov. JEORGE ‘ER’ EJERCITO!

EKLAT: ‘OA’ sa PADDING!

SIPAT: MAYAYAMAN naman ang FINANCIER ng PELIKULA, ‘no!

EKLAT: At TAXPAYERS, huh!

SIPAT: USO na ang LIGAWAN sa TWITTER.

EKLAT: Mas MATIPID nga naman!

SIPAT: PANAY raw ang YAKAPAN at HALIKAN nina LOVI POE at RONALD SINGSON habang SINISENTENSIYAHAN ang KONGRESISTA!

EKLAT: NAKAKABITIN ‘yan!

SIPAT: ISANG TAON at KALAHATI lang ang HATOL kay SINGSON!

EKLAT: WALANG SINGHOT-SINGHOT muna… sa HALIMUYAK ni LOVI!

SIPAT: PROMO GIMMICK  lang ang ‘DATE’ nina ANGEL LOCSIN at PHIL YOUNGHUSBAND?!

EKLAT: PABOR kay ANGEL, for sure!

SIPAT: Pero HINDI na na-TWEET pa ang DATE ng DALAWA.

EKLAT: Baka nga MAHALATA na GIMMICK na!

SIPAT: NAKISAWSAW pa si MARIAN RIVERA sa AWAY nina JOBERT SUCALDITO at JOHN LAPUS!

EKLAT: HINDI na kasi siya NAPAG-UUSAPAN?

SIPAT: BAKIT ba ang DAMING NAG-AAWAY sa SHOWBIZ ngayon?

EKLAT: DAMI rin kasing NAKIKISAWSAW!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.