‘Busy pa ang bakla… ‘di pa kami maghihiwalay ni Vice Ganda!’

ILANG KAIBIGAN NA ang nagtatanong sa amin kung totoong maghihiwalay na kami ni Vice Ganda bilang manager-talent.

‘Yun daw kasi ang blind item sa Paparazzi, ang talk show sa TV5 na sa totoo lang, napanood din namin.

Nagulat nga kami, eh. Honestly, nakakahiya naman kung aakuin namin ang blind item na ‘yon. Dahil maging kami, nagba-blind item din, eh. At ang konsepto namin doon, ‘pag hindi ikaw ang tinutukoy, ‘wag mong akuin.

Kaya dIyahe lang kung aakuin namin. Pero sa kabilang banda, kung lahat ay kami ni Vice ang hula, eh, ‘di sige, patulan na rin namin. Makasakay lang sa isyu.

SA TOTOO LANG, wala kaming kontrata ni Vice Ganda. Anytime one decides to go kung hindi na siya o ako masaya, puwede naman.

Pero ang relasyon namin, alam n’yo ‘yon, para kaming mag-asawa o magsyota. Away-bati, bati-away. Nagtatalong madalas, pero at the end of the day, nagkakasundo rin sa isang desisyon.

Sabihin n’yo nang maarte si Vice, lumaki ang ulo ni Vice o may sungay na si Vice, ang end-product pa rin naman ang titingnan natin, eh.

Ano ba’ng narating ni Vice Ganda ngayon? Nasaan na ba siya ngayon? Kung nagbago, people really change, ‘di ba?  Normal ‘yon. Kung minsan, kailangang magbago para sa ibang direksiyon.

Pero ang konsepto kasi ng “paglaki ng ulo” dito sa showbiz, merong pamantayan, eh. Kung mabait ka nu’ng una kang ma-meet, hanggang sa pagsikat mo, ganu’n ka pa rin dapat.

Eh, paano naman kung ang unang nagbago, eh ikaw mismo, kaya tingin mo tuloy, lumaki na ang ulo niya?

So, bottomline pa rin: Vice Ganda cannot please everybody.

LAGI NAMING SINASABI, walang permanente sa mundo. Kahit nga ang matatagal nang mag-asawa, naghihiwalay, eh.  Pinagbuklod pa ng pari ‘yon, ha?

So, kahit sa friendship at sa trabaho, gano’n din. Darating ang araw na magkakahiwalay rin kami ng landas ni Vice, dahil kailangan na o hindi na magkasundo.

Kaso, baka matagalan pa ‘yung pinapangarap ng iba na magkahiwalay kami, dahil busy pa nga ang bakla. Kahapon, nag-recording na siya for his album sa Viva Records.

Sa January 29 ang first day of shooting niya sa Viva-Star Cinema co-prod venture na solo movie uli; tapos, meron pa siyang Globe TVC shoot sa Feb or March; tapos, inaayos na rin ang May 21 major concert niya sa Araneta Coliseum.

Nakatakda uli siyang umalis for Europe tour. So, sa ngayon, wala pa kaming maibigay na time para pag-usapan ang paghihiwalay namin.

‘Wag kayong mainip. Hectic lang talaga ang sked ng lola n’yo.

PERO KAMI, SA totoo lang, sa 23 years namin sa showbiz (mula pa nu’ng mag-umpisa kami bi-lang alalay ni Ate Cristy Fermin), kabisado na namin ang takbo ng industriya, eh.

Una, hindi naman ang pagma-manage ng talents lang ang pinagkukunan namin ng “kabuhayan showcase”.  Ang dami naman naming alam na ibang trabaho.

Movie reporter kami, artista rin kami na umaarte sa harap ng kamera. TV host din, radio anchor at nagpo-produce din ng show sa mga bars.

So, ‘pag nawala ang isa, hindi namin kailangang umiyak, dahil meron pa kaming alam na ibang trabaho.

Hangga’t malakas kami, hindi kami masamang tao, matino ka-ming katrabaho, marunong makipagkapwa-tao, hindi balasubas at hindi mandurugas, kaya naming magtrabaho nang matino.

So, dapat ba kaming manginig sa takot ‘pag nawalan kami ng trabaho?

Ang aming kalusugan na lang ang lagi naming ipinagpapasalamat sa Panginoon para may lakas kaming makapagtrabaho at buha-yin ang aming dalawang pamilya.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

2 thoughts on “‘Busy pa ang bakla… ‘di pa kami maghihiwalay ni Vice Ganda!’

  1. hay naku ogie wag mo ibabalevel mo sa mga has been sa paparazzi… nagiingay at nagpapakontrobersyal lang yang show na yan para mapansin… most of the articles kung hindi pinipick up s aibang reporter, ginagawa, pinalalaki ang isyu eh laging galing sa mga mahihiwaga nilang informat na galing daw kuno sa kanila yung mga information… ang mga show na ganyan di pinapansin… kaya look me mga ads ba sila????? kung meron man pagmamayari rin ng may ari ng pirate station…. MGA HAS BEEN AT WANNA BE RELEVANT SA SOCIETY ANG MGA HOST NA LAOS…

    WHAT CAN YOU GET FROM
    A SOCIAL BUTTERFLY??? ( DIBA RUFFA? KAYA MO NGA PINAKASALAN SI YLMAS DAHIL SA PERA? ANU NAPALA MO ANG LAKING KARMA DINA NAKURYENTE KA PA! BUTI NGA)

    A WANNA BE A-LIST COLUMNIST ( dIBA DOLLY ANN… TIGILTIGILAN MO NA PAG EENGLISH AT PAGGAMIT NG FRENCH WORDS SA COLUM MO DAHIL TRYING HARD LANG… FROM SOMEONE WHO ADMIT NA HALOS NATIKMAN ANG MGA MATINEE IDOL NOON… THE NERVE NAMAN NG BABAENG GILAGID NA TO… )

    A WANNA BE HOT JOCK ( FOR MO TWISTER PATI UTAK ATA NA TWIST NA SA PANINIWALA NA GWAPO SYA AT HABULIN NG BABAE… MO PAKA LALAKI KA MOST NG KAAWAY MO BABAE… KE LALAKI MONG TAO HILIG MO SA TSIMIS… ASIKASUHIN MO ANAK MO KE BUNNY… MAHIYA KA NAMAN SABAGAY ME GANU KA BA?)

    A WANNA BE MOTHER OF SHOWBIZ (DIBA CRISTY LUCY FERMEAN? KAYA KA ALNG MALAKAS ANG LOOB NGAYON EH IKA NGA NI ALFIE LORENZO SAYO MALAKAS ANG APOY SA IMPIYERNO… THE NAME SYAS IT ALL LUCY FERMEAN KA)

    • Leegen, sino ang mga matinee idol na sinasabi mo about Dolly Ann? Ganuun ba talaga sya? Naging nobyo ba nya si Robin Padilla noon while Robin was already married to Liezl? If yes, home wrecker pala ito! Kasi napanood ko sa isang episode ng Paparazzi na ininterview ng mga hosts na ito si Liezl Sycangco, ang ex-wife ni Robin. I think it was Twisted Mo who interviewed Liezl about Robin and Mariel and then Twisted Mo asked Liezl if who among Robin’s pasts women that Liezl is not mad at. Liezl immediately said that she is not mad at Sharon daw kasi nang nalaman daw ni Sharon na may asawa na pala itong si Robin, hiniwalayan daw kaagad ni Sharon itong si Robin and the camera at that time shifted focus to Ruffa’s and Dolly An’s faces, and then parang nag comment din itong si Dolly Ann while they were discussing Robin and parang they were implying DollyAnn’s relationship with Robin and Dolly Ann said, ay tapos na yon, matagal na yon. So I was just wondering kung nagka affair sila Dolly Ann at Robin noon while Robin was already a married man. And is it the same also with Ruffa? Nagka affair ba rin ba si Robin at Ruffa while Robin was already married to Liezl? The one time also they guested Joey Marquez sa Paparazzi at excited si Dolly Ann and the other hosts were kind of playing with her and teasing her about Joey and they mention about masarap at parang malaki daw at ito daw si Joey ang pinakasarap daw. So I was wondering kong nakarelasyon din ba ni Dolly Ann si Joey while Joey was already married to another woman. Hay nakakalurka kung totoo man itong mga tsismis sa mga hosts na ito, sagwa pala ng track records nitong mga hosts na ito sa mga kasagwaan at kung makapamintas sila sa ibang mga artista parang sinong nagmamalinis pala lalo na itong si Fermin, di ba natalo siya sa kaso against Annabel Rama, e ang tawag doon convicted di ba? At itong si Twisted Mo naman, totoo yong sinabi mo na tutukan ang pagpalak ng anak niya baka ang ginawa niyang panlalait sa ibang kababaihan doon mapunta sa anak. I heard he explained in the show that he turned over the total custody to Bunny daw dahil he said he saw daw na iyong anak nya has a better future daw doon kay Bunny Paras ba yong pangalan na naanakan nya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.