‘Buhay’ ni CGMA sa VMMC, depende sa korte – Palasyo

IPINAUBAYA NA ng Palasyo sa korte kung ano ang magiging set-up kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo habang nakadetine sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bahala na ang korte kung ano ang mga papayagang ipagamit o ipadala kay GMA sa loob ng ospital.

Hindi na ito kontrol ng pamahalaan pero dapat maikonsidera ang sitwasyon ni Arroyo at panawagan ng ilang sektor na hindi ito dapat mabigyan ng VIP treatment, ani Valte.

Malinaw kapag naikulong na ang isang preso, may ilang karapatan nito ang tinatanggal o ipinagkakait, saad pa ni Valte.

Una rito umaalma ang kampo ng dating pangulo dahil ipagbabawal umano ang laptop at cellphones sa loob ng kanyang kuwarto sa VMMC.

Inihayag rin  ni Atty. Ferdinand Topacio, kanilang hihilingin sa gob-

yerno na bahagyang luwagan ang mga ipapataw na restrictions laban kay Ginang Arroyo.

Bilang isang mambabatas, patuloy pa rin namang tinututukan ni Arroyo ang kapakanan ng kanyang mga kababayan.

“’Yung korte naman po ang nagdedesisyon nga dito kung ano ho yung parameters nung kanyang detention, kung saan, ano pa ho ‘yung ibang, kung ano pa po ‘yung mga ibang circumstances surrounding the detention in VMMC,” dagdag pa ni Valte. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.