‘Bocha Queen’ Tukoy na ng PNP

TUKOY NA NG mga tauhan ng Bulacan PNP kung saan matatagpuan  ang isa sa mga supplier ng ‘bocha’ sa Metro Manila at Bulacan, maging sa karatig-probinsiya.

Sa ulat na tinanggap ng Task Force Bocha,nagtatago sa isang piggery farm sa Brgy. Cupang sa bayan ng Pandi ang isa sa notoryus na supplier ng double-dead na karne ng baboy.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source,ibinunyag nito na isa umanong alyas Luz Carillo, katiwala ng tatlong hektaryang babuyan, ng Brgy. Cupang, ang lihim na nagpupuslit ng double-dead na karne ng baboy.

Idinagdag pa ng source na nito lang nakalipas na Oktubre 22, 2011, isang kotseng kulay puti ang umano’y binentahan ng hot meat ng ‘Bocha Queen’. Ito anila’y gagawing longganisa, hamon at tocino para sa darating na Pasko.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.