‘Asset’ ng pulis, pinagbabaril, patay

PATAY ANG ISANG hindi pa kilalang babae na pinaghihinalaang asset ng mga pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Malabon City kahapon ng hapon.

Dead on arrival sa Pagamutan  ng Lungsod ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na inilarawan lang na edad 40 hanggang 45, 4’8” ang taas, light blue na sleeveless blouse ang suot at naka-maong na short.

Batay sa ulat, ala-1 ng hapon, naglalakad ang biktima sa Hiwas St., Longos ng lungsod at pagtapat sa isang tindahan ay sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang babae.

Bago umalis ang suspek ay nagsabi pa ito sa mga nakatambay na “Wala ‘yun, asset ‘yun.”

Dinala naman ang biktima sa PLM, kung saan nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente. Dinala ang bangkay ng biktima sa Nate Funeral Homes.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.