‘AKSYON TV’ NG TV5, HINAHARANG NG ABS-CBN?!

SA ISIP-ISIP MARAHIL ni Arnell Ignacio, buti pa ang ibang mga bakla of lesser beauty, brains and built, may mga career samantalang siya, one of the most successful stand-up comedians who have crossed over showbiz, ay nabuburo.  In short, walang trabaho.

Arnell’s last TV exposure was via GMA’s Gobingo, sa sobra na  ngang  tagal na nu’n, he  hardly earned  a page in the history of locally produced games, palibhasa naman kasi it was a game that required not a bit of brawn.

Nitong Lunes, Arnell stormed  in sa meeting ng  Startalk only to  “demo” ‘yung  latest niyang digital camera, latest in the sense that any picture taken from it is automatically “photo-shopped.” Talk about the highest level  of high technology.

Here’s wishing that Arnell’s latest gizmo can help produce, not just well-photographed shots, but also miracles para maibalik ang kanyang career  like  scattered  bingo cards on a cluttered wooden table.

THE NETWORK WAR further rages matapos maghain ng letter of complaint ang TV5 sa National Telecommunications Commission (NTC) against the ABS-CBN-owned Skycable due to its repeated refusal to include UHF Channel 41 in its channel line-up.

February 18, 2011 nang sumulat ang TV5 through its legal department sa pamunuan ng Skycable para ipagbigay-alam na magsisi-mula na ang broadcast ng Aksyon TV (on UHF Channel 41) three days later.

Contained in the letter was TV5’s request that the Skycable grant them a free-to-air channel such as Aksyon TV, na maghahatid ng news and sports updates sa loob ng 24 oras. Pero sa kabila ng request para sa compliance ng Skycable sa ipinag-utos ng NTC, dedma lang ang una.

Hindi siyempre matanggap ng Kapatid Network ang “pang-iinsulto” ng Skycable dahil anila, maliwanag daw na unfair trade competition ang pinaiiral ng Skycable, porke ba’t ang nagmamay-ari nito ay ang ABS-CBN?

Kunsabagay, may dahilan naman kasi para “mangarag” ang ABS-CBN sa bumobonggang posisyon ngayon ng TV5… talk about weekend programming, lamon na lamon ang mga programa ng Dos sa Singko, ‘no!

“REPACKAGED” IN A positive sense ang dating sa amin ni Arci Muñoz who’s now with TV5 kung ikukumpara sa kanyang humble beginnings from GMA’s Starstruck. Nang maging ganap na kasing artista si Arci, hindi pa masyadong lutang ang kanyang “stunning looks” until she crossed over to TV5.

Temang awards night ang gimmick para sa grand launch ng Mga Nagbabagang Bulaklak, kung saan Arci plays one of the two central characters (along with Ritz Azul). Kiyeme-kiyemeng naghahanap ng Star of the Night ang ETVN event na ‘yon, kung saan all four nominees, including Dahlia Flores played by Arci, opened with a production number. Then may kani-kanIya na silang individual dance numbers.

At first blush, hindi ko nakilala si Arci who, like a bud, has become a fully developed flo-wer. Gumanda, sumeksi at nagkaroon ng dating ang Starstruck discovery, such qualities na hindi ko nakita during her GMA days!

Anyway, Mga Nagbabagang Bulaklak is TV5’s second bold attempt at dramaserye. To premiere on March 21, sana’y tangkilikin din ito ng mga manonood the way they have been supporting Babaeng Hampaslupa.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

11 thoughts on “‘AKSYON TV’ NG TV5, HINAHARANG NG ABS-CBN?!

  1. well its a business nga nmn dbah,.gnun tlgah,..pero on reviewing news and public affairs, its far better to watch TV patrol or 24 oras than some one else cause its bit awkward or unprofessional naman na reporters mismo bragged persons in their shows.nkalive p ha.and as i observe some personalities in TV5 has a similarities na mahilig mang alipusta sa kapwa.,.haaay kakalungkot,..

  2. hi naku.dito sa canada panalo pa rin ang DOS sa amin..maganda ang mga teleserye mga worldclass…SIGE NGA HUMANAP KAYO NG ITATAPAT KAY PIOLO AT ESPECIALLY KAY JOHN LLOYD NG KA AGE NYA KUNG SINO????GEEZZ MAY MASABI LANG KAYO..kahit anong sabihin nyo malaki na as in malaki na ang LAMANG ng ABS…kaya wag kayong mambintang..tsktsk

  3. kung ayaw ng isang private company, wag pilitin….wag paepal kc ayaw nga..ipingpipilitan mo sarili mo, ala k namang karapatan..parang nanliligaw sa isang tao, wag mong ipilit self mo kung ayaw sau….panalo p rin sa akin ANG DOS……..

  4. hoi…anong talo ang abs-cbn pag week end hindi nyo ba alam na mas pinapanood ng mas maraming pilipino ay ang abs-cbn…ang bukang bibig ng mga tao ang programa ng abs-cbn…para sa akin kc hindi aq naniniwala sa ratings…kc qng pwede lang na lahat ng tv lagyan ng kung ano-ano para masabi na mataas ang ratings sa isang program mas tataas pa ang ratings ng abs-cbn at mangunguna pa ito noh……….

  5. 22o ralaga ayaw patalosolid sa abs or magtatatrabaho kya kung ano ano na lang ang ginagawa nilang paninira sa tv5or kay willy kc nga namemersonal naturingan kyong paladasal pero suwapang kyo…

  6. kelan ba naging fair and dos ??? di ba pag may bagong show ang siyete at alam nilang papalo sa rating, papatayan nila ng kuryente ??? that's how abs play the game… dirty !!!

  7. Ronnie Carrasco, anong sinasabi mo na lamon na lamon ang mga programa ng Dos sa weekend programming? Ano ng nangyari sa WW, ni hindi nga sila makaagapay sa TV patrol, LMAO! Mukhang namantikaan ang nguso mo dahil kay Willie ah!

Leave a Reply

Your email address will not be published.