“Tanggal-System Loss” Sagot sa Mataas na Singil sa Kuryente

ITO LAMANG UMANO ang sagot sa mataas na singil ng kuryente, at dapat nang madaliin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong limitahan ang mga electric companies, sa pagpapataw sa publiko ng system loss charge.

Nakikita ng ilang kongresista ang pag-aalis sa ipinapataw na system loss ng Manila Electric Company (Meralco) na sagot sa pagtataas sa singil sa kuryente ngayong buwan.

Giniit ni Navotas Rep. Toby Tiangco, dapat nang kumilos ang House committee on energy na aprubahan ang inihain nitong House Bill 3253 na patuloy na nabibinbin simula pa noong Setyembre ng nakalipas na taon.

“I will not let the public be electrocuted again. I have already filed House Bill 3253 on September 21, 2010 and it was referred to the Committee on Energy on September 27, 2010. I hope that the Committee puts this on its agenda as soon as possible. This bill seeks to curtail the desire of these electric companies to make more money by prohibiting them from passing to the average Juan the systems loss charge,” paliwanag pa ng kongresista.

Misteryoso aniya na patuloy ang pagtaas ng mga electric companies sa singil sa kuryente sa kabila nang kumita ang Meralco ng P6.1B para sa unang bahagi ng kasalukuyang taon.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.