“One Barangay, One Product sa Navotas, suportado ng local government

NAGING MATAGUMPAY ANG naging suporta ng pamahalaang lungsod ng Navotas sa Search for Outstanding One Barangay One Product, kung saan 14 na barangay ang lumahok sa proyektong “O.B.O.P ko, Subukan n’yo” (Market testing).

Iba’t ibang produkto ang inilatag sa harap ng city hall gaya ng fish noodles, bagoong, alamang, stainless dayukan, fish sauce o patis, meat products, souvenir products, dried fish, adobong Tahong, relyenong bangus, crispy squid ring, service facility, fish embutido, Ba-

ngus deboning, Hilot-Pinoy at iba pa, nego cart with squidballs at fish balls.

Ang nasabing proyekto ay isa lamang sa livelihood project ni Mayor John Rey Tiangco, kung saan bibigyan ng gantimpala ang simunang Barangay na mabili ang produkto.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 003 Series of 2011, binuo ni Mayor Tiangco ang Navotas Livelihood Committee, kung saan si Ms. Marita DM Trinidad ang head nito.

Nanawagan din si Ms. Trinidad sa Navoteños na suporta-han ang kanilang mga Barangay sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang produkto.

Dumalo ang lahat ng mga Barangay officials mula sa 14 na barangay sa Navotas.Ihahayag sa Nobyembre 21, 2011 ang magwawaging barangay, kasabay sa pagdiriwang sa ika-39 na kaarawan ni Mayor Tiangco.     (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.