“May future ako kay Phil!” – Angel Locsin

SA WAKAS, ANGEL Locsin admitted that she’s in love with Phil Younghusband!

“Relasyon? Hindi ko alam pero kami ay dalawang taong in love. Iyon kami ngayon. Iyon, dalawang in love na tao,” pag-amin niya sa isang taped interview with The Buzz.

Pero sa kabila ng kanyang pag-amin that she’s in love with Phil ay hindi naman niya inamin na boyfriend na nga niya ito. “Kapag tina-nong ako ni Phil, sasagutin ko kayo. Pero sa akin kasi title lang naman iyon. Hindi importante. Iyong happiness na nararamdaman ko kapag kasama ko siya hindi mapapantayan ng kahit na anong title.”

Iba ang kislap ng mga mata at ngiti sa labi ni Angel ngayon. Larawan siya ng isang babaeng in love. May nagpapasaya kasi sa kanya. She only has good words about Phil. “Iba. Basta mabait. Sobrang bait talaga. Wala akong masabi.”

Gaano katagal na ba silang ganito ni Phil? “Ewan ko, kasi wala kaming ‘O ‘eto, ganito tayo’. Siguro kapag nagdaan iyong panahon, masarap iyong feeling. Try ninyo.”

Dagdag pa niya, “Definitely, ibang level na siya compared doon sa dating getting to know. Iba na ngayon. And nakikita ko na may future ako sa kanya and kasama siya sa future ko.”

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Nagsimula ang lahat dahil sa palitan nila ng tweets. Phil invited Angel for a Valentine’s date. On Twitter, he wrote, “Hi Angel! This Phil. How are you? I was just wondering if you are free for Valentine’s Day?” Sumagot si Angel telling him that she’s not available on that day because of work. Pero natuloy ng ibang araw ang kanilang inaabangang friendly date na target shooting.

The two are now inseparable. Angel was seen cheering for the Azkals during its football match against Sri Lanka’s Brave Reds last July 3 sa Rizal Memorial Stadium. The Azkals won the game. Nagkaroon ng victory party ang Azkals and the two were seen very sweet to each other. Phil even allegedly kissed Angel. Walang dudang na-inspire ng husto si Phil sa presence ni Angel at nakatulong ito sa kanyang magandang performance throughout the game.

Hindi naman nakapagtataka kung tuluyan nang mahulog ang kanilang loob sa isa’t isa. Sa katunayan nga they really look good together. Wala namang masama dahil pareho silang single. At ang mahalaga ay masaya sila sa piling ng bawat isa. Naaalala ko pa noong nag-guest silang dalawa sa The Buzz. Phil said he never thought several months ago that he would be this happy like he is now.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleNasasagasaan kasi ang mga kasunod na show Willie Revillame, nagtampo sa memo ng TV5?!
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 146 November 23 – 24, 2011 Out Now!

No posts to display