“Karma is taking its toll.” – Osang on Vicki Belo

SA BIRTHDAY PARTY ng kumare namin at kapwa manunulat na si Liza Endaya sa Metro Bar, dumating ang nag-iisang Rosanna Roces.  Doon kinunan ng reaksyon si Osang sa  sex video scandal ni Hayden Kho with Katrina Halili and Maricar Reyes. But instead of talking about the sex video scandal, mas na-focus ang tsikahan sa girlfriend ni Hayden na si Dra. Vicki Belo.

Hindi namin kinakitaan ng anumang simpatiya si Osang kay Dra. Belo. Understandable naman ito dahil hanggang ngayon ay may away pa rin ang dating magkaibigan. May dialogue pa nga si Osang tungkol kay Dra. Belo na, “Karma is taking its toll.”

Sa Showbiz News Ngayon naman, nag-dialogue si Kris Aquino pagkatapos ipalabas ang VTR ni Osang ng ganito, ‘Nag-iisa ka lang.” Remember, all is still not well between Kris and Dra. Belo. Plus the fact na “nasagasaan” din noon ni Dra. Belo ang kaibigan at co-host ni Kris sa SNN at The Buzz na si Boy Abunda.

Sa advance birthday celebration naman ni Dr. John Cenica ng Jancen, naging kakaiba naman ang dialogue niya sa kanyang mga kapwa doctors na sina Dra. Belo at Hayden. Naniniwala siya na isang pribadong bagay ang ginawa ni Hayden at hindi naman for public viewing. It so happen na may nakakuha kaya lumabas.

“At sabi nga si Bibliya, ‘di ba? Sino man sa atin ang kahit isa lang na walang kasalanan, siya ang unang   bumato,” lahad niya.

Kahit competitor na maituturing ng kanyang Jancen clinic ang Belo Medical Clinic, ibang klaseng promotion naman ang ginagawa niya. May mga celebrity endorsers siya pero mas naniniwala siya sa mga kliyente niyang nagkakalat kung gaano kahusay ang kanyang clilnic. Mahigit 20 years na sa business na itong si Dr. Cenica at nauna pa kay Dra. Belo na sumikat.

Dahil sa pagiging positibe ni Karylle, sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanya. Last Tuesday, nanalo na naman si Karylle sa Pinoy Bingo Night kasama si Kitkat ng P1 millon. Bale, tig-P500,000 sila sa premyo. Plano ni Karylle na i-spend ang P100,000 sa pagpapagawa naman ng comfort room ng mga boys sa White Cross sa San Juan na tinitirhan ng mga dating streetchildren, mga  ulila at na-abuse na mga bata.

“Nu’ng una kasi, ‘yung CR ng mga girls ang pinagawa namin. Nagkaroon ako ng benefit show recently with my friends. Eh, since puro girls kami, naisip naming ipagawa ‘yung CR sa White Cross ng mga batang girls. Eh, na-ano naman ako sa mga boys, kaya I decided na ‘yung napanalunan ko, ‘yung iba doon ipagawa ng CR nila,” lahad ni Karylle sa Bench fashion show.

Speaking of Bench, hindi man rumampa si Karylle na naka-underwear sa fashion show ng Black to School campaign nila, malay natin next time gawin na niya ito. Hindi malayong rumampa si Karylle na naka-underwear since may ipapakita naman siya. Pero sa ngayon daw, feeling niya hindi pa siya ganu’n kahandang rumampa na nakasuot lang ng underwear sa stage.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

6 thoughts on ““Karma is taking its toll.” – Osang on Vicki Belo

  1. Osang… kung kailangan mo ng kakantot sa iyo, mayroon akong tropa na itim kasing laki ng kabayo yung burat. Kaya lang mukha rin siyang KABAYO bwa ha ha ha!!!

  2. hay naku, between vicky belo and osang di hamak namang santa na si vicky belo noh. kaya lang bitter tong si osang kasi hindi pumayag si vicky na ipaareglo ang kaso niya against osang.

  3. dapat cguro osang ay paayos mo muna ang boobs mo dahil nasa baywang mo na, sobra kasing laki kaya nakahilahod na.

    • I agree with you MACHURAKA. Oo nga Osang bakit ang boobs mo halos nasa baywang mo na? ano Ba yan??? Makipagbati ka kaya kay Vicki Belo para ayusin nya boobs mo hehehe!!

  4. isa pa naman itong si osang, kung makapagsalita ay akala mo napakalinis. alalahanin mo ang karma osang dahil meron ka pang mga anak. hindi tayo nakasisiguro sa panahon habang nabubuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.