“Hindi ako ang manliligaw sa kanya (Matt Evans)!” – Melissa

KAIBIG-IBIG ANG GANDA ngayon ni Melissa Ricks. After Your Song Presents Underage, may bago na naman siyang TV show, ang remake ng Kambal sa Uma bilang Ella na may mouse-like features with twin sister Vira (Shaina Magdayao) . “Masaya ako dahil ang director namin is still Manny Palo. Gamay niya kami, alam niya kung paano kami i-handle. Ako naman kasi after Star Circle Quest, wala talagang naibigay sa akin. Sabi ko sa sarili ko, isang araw papalakpakan ako ng tao, gagalingan ko talaga, ipapakita ko sa kanila, slowly but surely,” pagbibida ni Melissa.

Usap-usapan ngayon ang seryosong panliligaw ni Jake Cuenca kay Melissa. “Ayaw ko sanang mag-comment kasi parang hindi maganda na ako pa ang nagsasabi. Kung ‘yun ang sabi niya, okey!” Simpleng sagot ni Melissa na nahihiyang pang aminin.

May pag-asa ba naman si Jake? “Hindi ko alam. As I said before, sa ASAP lang kami nagkakasama. Nagte-text lang kami, kung minsan tumatawag siya sa akin, pero other than that, we’re just becoming very good friends, nade-develop ‘yung friendship namin.”

Alam nating matinik sa babae si Jake, kabugin kaya si Matt kung sakaling ligawan siya? “Hindi naman nanliligaw si Matt, araw-araw kaming magkasama. I know everything about him, very very close kaming dalawa,” simpleng sambit niya.

Torpe nga ba si Matt? “Hindi naman siguro siya torpe, nahihiya lang siya sa akin,” say ng dalaga.

Kung sakali, sino kina Jake at Matt ang magiging matimbang sa puso niya? “ Si Jake new friend ko lang, si Matt naman, siya ‘yung nauna na nand’yan na. Kapag wala siya hinahanap ko siya kasi parang package deal na kami. Palagi kaming magkausap, ‘pag may problema ako siya ang unang nakakaalam, ‘pag umiiyak ako siya ang nagpapatahan, ‘pag may umaaway sa akin nand’yan siya sa tabi ko para ipagtanggol ako. ‘Yung parents ko close kay Matt, pumapayag silang makipag-kissing scene ako, basta si Matt.”

Balitang hinahatid ni Jake si Melissa sa bahay nito. “ Yeah, hindi siya pumapasok sa house. Strict ang parents ko, hindi pa ako naliligawan na totoo talaga so, his willing to wait naman. Nakilala na ni Jake ang Mommy ko, nababaitan siya kay Jake. Ang Daddy ko palaging nasa work so, hindi pa niya nakikilala pero sa TV nakikita niya si Jake.

Natutuwa naman ang Daddy ko sa kanya. Ako naman, kung sakaling magkaka-boyfriend sasabihin ko naman. Mahirap magtago.”

Magiging hadlang kaya si Matt sa kanilang dalawa ni Jake? “Labanan ng pogi points! Malaki ang advantage ni Matt kasi 3 years na kaming magkakilala. Kailangan madalas siyang (Jake) dumalaw. Joke lang !” Birong-totoong sambit ni Melissa.

Nagbakasakali na nga si Matt na sana’y in the end sila ni Melissa ang magkatuluyan. “Desisyon niya ‘yun. In the end magkatuluyan kami? Kung gusto niyang magkatuluyan kami, siya ang dapat gumawa ng paraan. Hindi ako ang manliligaw sa kanya. Dalagang Pilipina yata ‘to!”

Parang sinabi ni Melissa na hinihintay lang niyang ligawan siya ni Matt at malabong sagutin niya si Jake. “Hindi ko sinasabing hindi ko sasagutin si Jake. Kung hindi siya makapaghihintay, ibig sabihin hindi niya ako mahal. Kung sakaling manligaw sa akin si Matt, tapos nand’yan si Jake – ewan ko, depende!” Nakabiting pahayag ni Melissa, na alanganin sa kanyang sinabi.

AYAW Paawat!

by Eddie Littlefield

loading...

One thought on ““Hindi ako ang manliligaw sa kanya (Matt Evans)!” – Melissa

Leave a Reply

Your email address will not be published.