“At this point, I’m not ready for any commitment.” – John Lloyd

SA PRESSCON NI John Lloyd Cruz para sa Biogesic paracetamol, sinagot niya ang mga isyung ibinabato sa kanya. Maugong kasi ang balitang split sila ng girlfriend niyang si Liz Uy. “I want to be honest, ito lang ang maibibigay ko at this point ‘yung tungkol sa amin ni Liz. Gusto ko munang hingin sa inyo na bigyan muna ako ng kaunting panahon and hopefully in the near future, sasagutin ko na mas diretso,” pakiusap ng aktor.

May attempt daw siyang ligawan si Sarah Geronimo. “Hindi po, hindi ako naniniwala sa ligawan na tinatawag na courtship. Hindi naman siguro ako nanligaw. Ang sa akin, hindi ‘yung process ng ligawan, hindi ‘yung courtship, mas ano ako sa companionship. You spent time together; you get to know each other. Hindi ‘yung aakyat ka ng ligaw, best foot forward,” paliwanag ng actor.

Pumutok din ang tsismis kina Ruffa Gutierrez at Lloydie. “Yung kay Ruffa, nagsimula lang ‘yun, patapos na ‘yung Betty La Fea. Halos every week nagpa-party kami kasi magkakahiwalay na. Napadalas ‘yung cast party namin na napasama pa. Everytime na magbi-birthday ‘yung member ng cast, marami kami, halos buong cast, everytime na may party magkakasama kami. Doon nagsimula, lumaki nang lumaki, lumubo na. May mga issue pa na dinadamay na hindi naman nangyari, wala namang kinalaman sa nangyari,” sabi ng actor.

“Unang-una, wala po akong condo. ‘Yung condo issue nagsimula ‘yan sa nire-rent naming room na malalaki. One time nag-party kami kasi nasubukan na namin sa mga restaurant at mga bars sa labas. Medyo nahirapan kami sa mga tao so isangbeses nag-try kaming mag-party sa isang malaking hotel room. So, doon nagsimula ‘yun, pati director namin nagpunta. Ang dami namin, halos 90 percent ng cast nandu’n, ‘yun lang ‘yun.

“Hindi kami nag-hotel ni Ruffa, gusto ko lang sabihin, hindi naman ganoong klaseng babae si Ruffa. I don’t think na ganu’n siyang klaseng babae and mayroon siyang pamilya. Napakalaki ng pangalan nila sa industry na ito. I don’t think Ruffa is capable of doing something like that. Sa mga nagsusulat at nag-iimbento ng mga bagay-bagay tungkol sa hotel issue na ito, it’s very imoral. I don’t think na gagawa ng ganu’ng bagay si Ruffa para madumihan ‘yung pangalan nila. Iningatan nila for the longest time dito sa industry,” paglilinaw ng binata sa isyu.

Puwede rin namang maging sila ni Ruffa? “‘Yun ang sinasabi ko, when love happens to a person, wala kang choice. Hindi ka naman mamimili, wala kang kapasidad para tanggihan siya.  Because in reality kapag tinanggihan mo siya, lalo ka niyang yayakapin. Kapag nangyari sa akin ‘yun, hindi ko sinasarado ang kahit na ano, kahit kay Ruffa Gutierrez ngayon, you’ll never know. Kahit kay Sarah sinabi ko rin ‘yun, o kahit na kaninong babae for that matter. Hindi ako magsasalita nang tapos because puwedeng mangyari anumang bagay at kapag nangyari ‘yun, ayaw kong kinain ko ‘yung salita ko. I don’t think I’m ready for any commitment at this point,” sabi pa niya.

Ikinagulat din ng marami ang paglabas ni Maricar Reyes sa sex video na naging love interest din ni John Lloyd sa nasabing soap. “Nagtratrabaho kami and I think it’s just right na hanggang d’un na lang ‘yung masasabi ko. May mga personal opinion ako, pero siguro I think it’s best to keep it to myself na lang. Kasi ang hirap magsalita, napaka-sensitive ng issue na ‘yan na umabot na sa Senate.

“Napanood ko ‘yung sumasayaw after n’un, wala na akong pinanood. Sabi ko, nag-decide akong huwag nang manood ng kahit na ano. Isang bagay na masasabi ko lang din, siguro ‘yung mga personalities na involved sa issue na ito, siguro mas mataas, kaysa roon sa ibang ganitong klaseng scandal. ”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on ““At this point, I’m not ready for any commitment.” – John Lloyd

  1. if I were you, forget na lang ang mga issue nina JLC and RG and so as watching their shows and upcoming movies kung ano man yun.

    • Naku, huwag naman kasi malaki ang agwat nilang dalawa. Kawawa naman si JLC kasi matanda na , tapos ay may 2 pang anak. Huwag, please. Kung ganda lang ang habol niya, huwag naman dahil parang Nanay na lang niya si Ruffa at kapatid niya iyong 2 anak ni Ruffa. KAWAWA NAMANITONG BATA NA SI JOHN.

  2. omg ha..ruffa ang tawag ni jL kay ruffa pede namng miss ruffa kung ayaw nya ate diba..and i watched the buzz today..super blush and tense and sweaty si ruffy…22o ba ito..okay lang sakin,,hehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.