“ALARMA 1530” RA-RADYO NA!!!

MARAMING KAIBIGAN ANG nagtatanong kung bakit daw kailangan pa nating mag-programa sa radyo.

Kaugnay ito, parekoy, sa nalalapit na pagbubukas ng ating programa sa radio station DZME (1530 kHz. Radyo Uno)

Sa darating na Nobyembre 8. Kasi ay umpisa na po nating isasahimpapawid ang ALARMA 1530, mapakikinggan ‘yan, parekoy, mula alas-sais hanggang alas-siyete ng umaga (6-7am), Lunes hanggang Biyernes.

Madali rin itong mahanap. Pihitin lang, parekoy, sa dulong-kanan ay masasapol mo na ang 1530!

Ang isang oras na programang ALARMA 1530 ay pinaghati-hati natin, parekoy, sa Alarma ng Masa, Alarma Komentaryo, Alarma Reaksiyon, Alarma Papuri, Alarma Sports at Alarma Jokes.

Alarma ng Masa – Sa bahaging ito, bukas po ang mga linya ng telepono upang bigyang-daan natin ang mga hinaing, sumbong o pagpuna ng taumbayan.

Alarma Komentaryo – Rito ninyo maririnig ang “walang takot at patas” na pagtalakay sa iba’t ibang isyu na may kinalaman sa pamumuhay ng masang Pinoy.

Alarma Reaksiyon – Araw-araw ay hahagilap po tayo ng isang opisyal kung saan sa loob ng sampung minuto ay atin itong gigisahin sa iba’t ibang katanungan kaugnay sa kanilang kinasasangkutang usapin.

Alarma Papuri – Bilang patunay na ang ALARMA 1530 ay isang patas na programa, may nakatakdang oras din po upang purihin natin ang sinumang gumagawa ng maganda at kapuri-puring bagay.

Alarma Sports at Alarma Jokes – Bago matapos ang isang oras na programang ALARMA 1530, mapakikinggan din po natin ang ilang ulat tungkol sa Sports at ilang “jokes” na kukumpleto sa kasiyahan ng masa tuwing umaga.

Nais lang po nating linawin na hindi pa tayo maaaring ihambing sa kung sinumang commentator o broadcaster dahil wala po tayong binatbat kung ikukumpara sa kanila.

Pulgas lang, ‘ika nga, ang ating katulad sa larangang ito.

Wala rin tayong dapat patunayan dahil tayo ay “timawa” kung ang pag-uusapan ay tungkol sa broadcasting.

Wala lang! Oks lang! Wala rin! Oks rin, he, he, he!!!

‘Yan ang kahalintulad natin, parekoy, pagdating sa radyo.

Kahit noon pa mang 1998 nang una tayong sumalampak sa radyo.

Wala lang… 13 libel cases lang ang naipon natin.

Oks lang, parekoy, kahit galit na sa atin ang halos lahat ng opisyal sa lalawigang ‘yon… nahalungkat kasi natin ang kanilang bulok!!!

Kulungan lang naman ang katapat niyan, he, he, he…. Wala rin!!!

Ilang taon ba nating hinimas ang rehas na bakal dahil sa kanilang galit?

Sa muli nating pagsabak sa ere, isang bagay lang, parekoy, ang titiyakin natin.

Malumanay po tayo roon sa mga opisyal na ang kamalian ay maituturing nating “kakulangan lamang” sa pagtupad sa tungkulin.

Ngunit para roon sa mga talamak sa kagaguhan at walang pakundangan sa pagmamalabis… tangna ninyong mga demonyo kayo, titiyakin ko sa inyo, magpapang-abot tayo!

At tiyak… bugbog sarado ako! Ehek!!!

jabriones10@yahoo.com

cp no. 09152121303

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.