‘Rizal Buriki Boys’ tiklo

RIZAL – NAARESTO NG pinagsanib na puwersa ng Rizal PNP at Taytay Police ang 12 katao nang maaktuhan habang nagdidiskarga ng semento sa ibang construction firm sa bayan ng Taytay.

Kinilala ang mga nasakote na sina Manny Espiritu, 22 anyos, ng Nueva Ecija; Exequiel Sarmiento, 45; Macario Follero, Orlan Peralta, 33; Reagan Galo, 26; Mar Floro, 40; Carlos Campos, 67, pawang ng Antipolo City; Arnel Roxas, ng Iligan City; Jose Bayo, 53; Vergilio Iglesia; Roland Galvez, 42, ng San Mateo, Rizal; at Adrian Quinez, 24, ng Taytay, Rizal.

Pinaghahanap naman ang Fil-Chinese na si Mrs. Sandy Cai, may-ari ng Luk Construction na kinasuhan ng anti-fencing; Alex Bocayon; Fred Tagapulot; Sonny Sanchez; Crisanto Lapobres; Paulo Dungo at Frankie Casinillo, pawang kinasuhan ng qualified theft.

Ang mga suspek ay kinasuhan ni Christione Marie Villarama, operation manager ng Megacem Inc. cement dealer (Holcim/Republic) na matatagpuan sa # 97 Visayas Avenue, Quezon City at residente ng Florencio St., San Pedro Cmpd., Tandang Sora, Quezon City.

Sa ulat, nasakote ang mga suspek dakong alas-11:30 ng Linggo ng gabi sa Luk Construction Supply sa Ortigas Ave. Extn., Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal.

Nabatid na ang mga suspek ay naaktuhan ni Villarama at ng kasamang mga awtoridad habang nasa aktong binabawasan ang limang truck ng semento at ibinababa sa tindahan ni Cai.

Ang mga suspek ay nakadetine sa lock-up jail ng Taytay PNP habang nagsasagwa na ng manhunt operation laban kay Cai at sa natitira pang suspek.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.