‘Pag na-in love kay Julio Iglesias: Krissa Mae Arrieta, ‘di na hahabulin pa ni Jay-R!

BLIND ITEM: NAKAKATAWA ang comedienne na ito nang um-attend siya ng presscon recently.

Naka-summer dress kasi ang hitad at feeling seksi sa kanyang bulaklakin na damit. Bagay naman sa kanya, in fairness, ang kanyang outfit at bagay na bagay rin sa panahon.

Ang nakakaloka lang, biglang itinaas ng komedyante ang kanyang arm. Ayun, nakita namin tuloy na medyo may kakapalan na ang buhok niya sa kili-kili. Pero, in fairness pa rin, trimmed naman ito.

Lihim na lang kaming natawa nang makita namin talaga ang maiitim na buhok sa kili-kili ng komedyante.

Sino ang comedienne? Well, ka-apelyido niya ang isang comedienne na sumisikat na rin ngayon at isa sa judges sa isang talent show. ‘Yun na!

HINDI NAMAN NA-FEEL ni Daniel Matsunaga na napagsamantalahan siya ni Eugene Domingo nang halikan siya nito sa lips nang mag-guest siya sa Cool Center.

“That was a game. There was an opportunity to do that. She was funny. It’s okay. I know it’s a joke. It was fun. Eugene is a very nice person,” esplika ng Brapanese model na sumabak na rin sa movies sa pamamagitan ng D’ Survivors, isang comedy film which also stars his fellow Brazilian models Akihiro Sato and Fabio Ibe.

Role ng isang model na napadpad sa isang island kasama ang iba pang model ang papel ni Daniel sa naturang indie film directed by Adolf Alix, Jr. At kung sa kanya mangyayari iyon, gusto niyang makapiling ang supermodel na si Giselle Bunchen, isang fellow Brazilian.

“I would be very happy and I would do everything and I would let my life to be in an island forever. I would cook for her,” sabi niya.

Sobrang na-enjoy ni Daniel ang shooting ng D’ Survivors.

“It’s different for me because it’s my first time for me to do a movie. Everything was new, everything was exciting. It’s kinda hard but once you get to used to it, you’ll really enjoy everything. The island was so beautiful,” say ng binata.

At tungkol naman sa isyung may kompetisyon sa kanila ni Akihiro Sato ngayon, ito lang ang nasabi ni Papa Daniel: “Akihiro is a very good friend of mine. For me, there’s no competition. I know that he’s very popular here. I’m very happy being compared with him but for me there’s no competition. We’re such good friends.”

EWAN KUNG etching lang, pero parang hindi kami makapaniwala na matatanggap ni Jay-R kung ma-in love ang girlfriend niyang si Krissa Mae Arrieta kay Julio Iglesias na magkasama ngayong month sa world tour.

“’Di wala na akong magagawa, siyempre, kung na-in love na siya kay Julio. Kung na-in love na siya sa Julio Iglesias, hindi na po ako maghahabol. Kung ayaw na niya, ayaw ko na rin,” paliwanag ni Jay-R sa launching ng bago niyang show, ang Take Me Out, isang dating game.

Parang hindi kami makapaniwala na basta-basta na lang niya igi-give up si Krissa Mae nang ganu’n-ganu’n na lang.

Anyway, sinabi ni Jay-R kung ano ang tipo niyang babae na sa kanyang description ay Krissa Mae na Krissa Mae.

“Ang hahanapin ko po sa isang babae, very articulate, magaling magsalita, mestiza. ‘Yung puwede kong iuwi kay mom. Someone who can get along with my family,” say ng binata.

Sobrang pressure kay Jay-R ang pagiging host ng Take Me Out. “Definitely kasi first time kong mag-host. Pero sa sobrang ganda ng show, parang kaya din na mag-rate. Sa tingin ko it’s gonna be okay din naman. I’ll work very hard kasi gusto kong maging successful ang show.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleClickadora: The Ultimate Brazilian Invasion!
Next articlePhoto Oops: Zipper mo, Dong!

No posts to display