‘Pag ‘di nasabihang maganda ang make-up: TV host, ‘di nagbabayad sa make-up artist!

OLA CHIKKA! UNANG araw na naman ng linggo, kaya naman dapat bonggang-bongga ang mga chikka natin. At dahil napakainit ngayon ng summer na ‘to, kaya naman ang first chikka ay ang ating First Sister na ngayon kung tawagin na si Kris Aquino, na mukhang nagbabalak na raw iwanan ang career sa Dos.

Balak daw nitong mag-stay sa Amerika for good para ‘di raw makasira sa kanyang Kuya na soon to be our President, dahil nga sa pagiging maldita niya at taklesa. Ayun, huh, ang taray naman talaga ng lola mo!

Ano nga ba naman ang mase-sey ko rito? Ikaw na nga ang maging soon to be First Sister, ‘di ka ba magmamaldita?

HAY, NAKU! MUKHANG wala nang mas iinit pa sa susunod kong chikka. Kasi naman, napakainit talaga at napaka-yummy naman talaga ng Masculados Dos ngayon, dahil jampacked at patok na patok daw ang kanilang mall tour lalung-lalo na sa Robinson’s Dasmariñas, Imus, Metro East, Novaliches, at Sta. Rosa. Congratulations!

Napakarami ngang nanonood sa mall tour ng grupo, lalung-lalo na ang kabataan. Maraming sumuporta talaga dahil ang sexy-sexy nga ng bagong grupo, na inabot ng isang taon ng pagbuo na sinundan ng three-month dance and voice training.

Ang tatlong orig na miyembro ng Masculados Dos ay sina Enrico Mofar, Lexter Lazaro at Robin Robel. Ang new members ay sina Orlando Sol (sexy actor-singer na galing sa boygroup na M-Gage), Ozu Ong (stuntman), Nico Cordova (Political Science graduate na mas gustong maging performer) at Dart Kamboozia (ramp model at Bodyshots finalist).

Tulad ng mga naunang hit songs ng Masculados, potential hit na naman ang latest single nilang Ganda, Ganda, Seksi! Seksi! na sinulat ni Ito Rapadas.

Limang original songs ang laman ng bagong CD ng Masculados Dos kasama ang mga kantang Good Boy, Hello, Friendship, Baby, Angkas Na at Celfon. Kaya bili na, ‘wag na kayong magpahuli. Buy na ng new album para in kau sa initan this summer.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sinetch itich dahil wala nang iinit pa rito sa aking pahuhulaan? Dahil isa itong host sa isang noon time show. Ayan, huh! Alangan ‘di n’yo mahulaan, given na.

Grabe raw itong merlat ito kasi raw, wala raw itong makasundong make-up artist. Kasi nga naman, ‘pag ‘di raw sinabihang maganda ang kanyang face or kinalabasan ng make-up, nang-aaway raw at ‘di raw ito nagbabayad.

Grabe naman pala itong merlat na ‘to! ‘Di naman maganda ang ipinapakita sa mga make-up artist at ang mga nakakakita sa kanya. Sana naman ay ‘wag ganyan, kasi nakasisira siya sa kanyang jowa. Dahil isa rin ‘yun sa mga nirerspeto ko at lab na lab ko ‘yan.

Given na talaga dahil now I know. Alam n’yo na ‘yan. Kasi magkasama sila sa isang show. ‘Yun na! Ang taray talaga ng lola n’yo!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleKris Aquino, balik kay Vicki Belo
Next articleGrupo nina Kim Chiu at Erich Gonzales, may sina-cyber bully rin?!

No posts to display